CHAPTER 41

1.9K 35 3
                                        

"DENNISE?!"

Tangina?! Paano siya nakapasok dito?!

"Hey..." Nakangiti siyang tumayo at lumipat ng pwesto sa gilid ng kama ko at doon naupo.

"Gago beh! Paano ka naman nakapasok dito?" Umiling lang siya saka hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa hita ko.

Dahan-dahan ko sanang tatanggalin iyon kaso mas hinigpitan niya ang hawak kaya wala na akong nagawa.

"So... How are you?" Nakangiti niya pa rin kausap sa akin. Napangiti na lang ako ng maliit.

Ang weird niya...

"I'm good."

"Mhmm." Patango-tango niyang tugon habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Paano ka nakapasok dito?" Muling tanong ko dahil nagtataka pa rin talaga ako kung paano siya nakapasok dito.

Wala naman akong sinasabihan na iba kung saan ako nakatira lalo na kapag hindi ko naman kaclose.

"Bukas pinto mo?" Napangiwi na lang ako sa sagot niya. Tanginang sagot yan.

Alam kong nilock ko ang pinto ko kagabi kahit wala ako sa sarili ko. Syempre need ko pa rin i-prioritize ang safety ko.

"Paano mo nalaman address mo?"

"I just knew it." Kibit balikat niyang tugon ulit kaya napabuntong hininga na lang ako at umiling.

"You're strange..." Medyo kabado kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya lang.

"I know love..." Hinaplos ang braso na ikinatindig ng balahibo ko.

Nakakakaba na yung mga kinikilis niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at naglakad na papuntang cr.

"M-Magbibihis lang ako. May pasok pa ako mamaya." Nautal ko pa ako dahil sa kaba at pagmamadali.

"Sure love. I'll cook us food." Tumango na lang ako at agad na pumasok sa cr at napasandal sa pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko kahit wala ako nun... Dahil sa kaba. I have this feeling na sobrang bigat ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Para akong naso-soffucate at hindi ako makahinga ng maayos.

Anong meron sayo Dennise?

Nang mapakalma ko ang sarili ko ay agad na rin akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapasok sa first subject ko dahil late na rin akong nagising.

Agad akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong makapagbihisbpara makaalis na rin ako pagkatapos kong kumain.

Nakita ko naman agad si Dennise na tahimik na nakaupo at halatang iniintay ako.

"Let's eat." Bungad ko agad kaya naman napabaling siya sa akin at nginitian ako ng matamis.

"Okay!" Masigla niyang sabi saka tinulungan pa akong ihanda ang pagkain ko.

Hindi na lang ako umimik at nagmamadali ng kumain para maiwasan ko na rin itong isa. Buti na lang ay sa kabilang university pa siya kaya napahinga ako ng maluwag.

Ang dami niyang sinasabi pero tinatanguan ko lang. Wala ako ngayon sa sarili at hindi na nagpaprocess ang utak ko dahil na rin sa nangyari kahapon.

I fucking miss her.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong tumayo para hugasan ang pinagkainan ko. Sakto naman ng natapos ako at tapos na ring kumain si Dennise kaya ako na rin ang nagpresinta na hugasan ang pinggan niya.

Because Of YouWhere stories live. Discover now