Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan kaya naman pagalit kong binuksan iyon.
"WHAT?!" Galit kong sabi pagkabukas na pagkabukas ng pintuan. Pero nakatanggap naman ako ng batok dun sa taong yun.
"Anong WHAT ka dyan. Pupunta tayong bar. Kanina pa silang nandun." Piningot niya yung tenga ko saka hinila ako papunta sa kwarto.
"ARAY! ANO BA ANG SAKIT!" Hinawakan ko naman yung tenga ko pagkabitaw niya. Humarap siya sa akin at nagpameywang.
"Bilisan mo! Kanina pa kita tinatawagan hindi mo naman sinasagot." Irap niyang sabi sa akin saka pumunta sa closet ko.
"I'm sleeping, stupid." Sinamaan niya ako ng tingin pero dumila lang ako sa kaniya.
Ano ba yan, ang sarap na ng tulog ko ehhh.
"Go take a bath and change." Pabato niyang binigay sa akin yung damit na kinuha niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero umirap lang siya at lumabas.
Aba ang attitude ng loko.
Hinayaan ko na lang siya at pumunta na ng cr para makaligo at makapagbihis. Grabe namang itong pinasuot sa akin. Akala mo panghanap ng chicks ang datingan eh huhuhu
Pagkalabas ko ay nakita ko si Cehir na nakaupo sa sofa at nakain. Aba ang kapal ng mukha, kakaunti na nga lang stocks ko ng pagkain huhuhu
Nilapitan ko naman siya saka binatukan.
"Kakaunti na lang stocks ko ng pagkain tapos kakainin mo pa. Kapal ng mukha ha." Sinamaan ko siya ng tingin pero dumila lang siya. Aba't-
"I don't care." Inirapan ko lang siya saka umupo sa tabi niya.
"Sabagay lilibre mo naman ako eh, kaya sige kain ka na lang dyan." Natawa naman ako sa reaksyon niya na gulat dahil naalala niya ata na ililibre niya ako.
"Tsk. Fine."
"Tara na?" Aya ko sa kaniya saka tumayo at inayos ang suot ko.
"Yep, kanina pa sila dun. Pakupag-kupad ka kase ayan tuloy tayo na lang iniintay." Tumayo na din siya at inakbayan ako saka sabay kaming naglakad palabas.
"Nakalimutan ko eh, pati nakakatamad." Kibit balikat kong sabi pero binangga niya kang ako ng pabiro.
"Ang hot mo dyan." Taas baba ang kilay niya habang sinasabi niya sa akin yun.
"I know." Inayos ko naman amg buhok ko para kunware hot ang datingan.
Nandito na kami sa kotse niya pero di pa kami naalis kase inaayos pa niya gamit niya.
"What if tayo na lang?" Sabi niya saka humarap sa akin saka ngumisi.
"Ew. Yuck. What if i-umpog ko ulo mo? Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Tumingin ako sa kaniya saka pinandirian siya.
"Ito naman hindi mabiro. Alam mo naman kung sino lalabs ko eh." Kumindat siya sa akin saka umayos na ng upo kaya naman inayos ko na din ang seatbelt ko.
"Pero di ka naman gusto? HAHAHAHAHA." Pahabol kong sabi sa kaniya pero hinampas niya lang ako sa braso. Asar pikon talaga eh HAHAHAHAHA
"Shut up." Tinawanan ko na lang siya ulit pero umirap lang siya saka nagsimula na magdrive.
The whole ride was quiet, ang tanging maririnig mo lang ay yung kantang pinapatugtog ni Cehir. Nakatingin lang ako sa labas since wala din naman kaming topic.
YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: