Umalis na rin agad ako doon sa may field after nung first part ng program. Nandun na din kase yung ibang banda, magiging concert ito for sure.
Naggala na lang ako sa school na dinecorate nila para rin dito. Rinig pa rin naman yung tugtog nung banda kaya naman mas okay. Ang boring naman kapag masyadong tahimik.
Habang naglalakad ako ay hindi ko na rin mapigilan na mapangiti.
It's been a while since I made time for myself. It's really relaxing.
Tumingala naman ako para tingnan yung mga bituin pero mas namangha ako dahil sa nakita ko. Lanterns!
May pa ganto yung school namin? Grabe ang amazing naman! Shocks it's really my dream na magpalipad ng ganon.
Nakangiti naman ako habang sinusundan kung saan ba nanggagaling yung mga lanterns para naman makapagpalipad din ako, diba?
I might sound childish pero nagtatatalon pa ako habang naglalakad. Nakaka-excite bakit ba!
Napatigil naman ako at napatulala ng makita ko yung lugar.
ANG GANDA NUNG PLACE!
It's an open area, pero mas maliit kesa dun sa pinagtayuan nung stage. Andami ring mga bulaklak kaya mas gumanda yung place. May mga tao na nakaupo sa damuhan at nagpapalipad ng lanterns and nasa gilid naman yung stand kung saan ka kukuha ng mga iyon.
Well... Hindi ko pinagsisihan na pumasok sa MRU. Ang gaganda lagi ng ginagawa nilang mga events. Merong pang-academics at meron ring mga events na mag-eenjoy ka talaga, yung mawawala yung stress mo, katulad nito.
Lumapit naman ako dun sa stand na nagbibigay ng lantern para kumuha, buti na lang pinamimigay nila, walang bayad huhuhu
"Hello Vice!" Masiglang bati nung nagbabantay.
"Hi!" Ngumiti naman ako sa kaniya saka pinagmasdam yung mga lantern.
"Ito VP, maganda ito, hindi rin yan masyadong malaki." Binigay naman niya sa akin yung isang lantern na may kaunting design, pero ang ganda niya tingnan.
SHOCKS NA-E-EXCITE AKO!
"Thank you!"
"Welcome VP! Ito pala pentel pen, isulat mo muna yung wish mo dyan bago mo paliparin." Nginitian ko naman siya ng malaki saka kinuha na rin yun at nagpaalam na.
Luminga linga naman ako para maghanap ng magandang pwesto. Sana naman yung pwesto ko ay yung tipong kita ko pa yung langit.
"Yes." Bulong ko sa sarili ko ng makita ko na walang masyadong tao dun sa gitna.
Lumapit naman ako doon saka naupo sa damuhan. Napangiti ulit ako mg makita ko na naman yung langit dahil sa liwanag ng mga bituin at ng lanterns. Pero hindi ko rin napigilan na malungkot dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Napayuko na lang ako saka tiningnan yung lantern.
Actually, lately ang dami ko ng nakukuha na mga death threats. Katulad kanina bago ako pumunta sa school. Meron na naman letter akong nakuha sa may pinto. May feeling ako na si lolo yun. Hindi ko nga mapigilan na kabahan kanina habang nagpeperform baka kase doon ako biglang patayin diba? He can do everything. Nagsimula yung ganoong treatment niya sa akin ng mawala yung parents ko. Ni hindi ko nga maalala yung mga nangyari noon eh. What really happened back then?
Yung parents ko naging sandalan ko hanggang sa lumaki ako. Sobrang supportive nila. Namimiss ko na sila, yung mga yakap pati yung mga pang-aasar nila sa akin. Si daddy na laging inaasar ako kapag nagkekwento ako about sa mga crush ko, at si mommy na lagi akong kinakampihan. Yung monthly na gala namin outside the country, namimiss ko na. I miss all our memories.
YOU ARE READING
Because Of You
Diversos"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: