CHAPTER 33

2.2K 47 2
                                        

"Leigh... I'm sorry..." Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinasabi niya yung mga katagang iyon at pinipigilan na hindi maluha.

Ito na ba ang katapusan? Alam ko naman na ito yung mangyayari at pinaghandaan ko na talaga pero bakit ang sakit pa rin?

Magsasalita sana ako pero agad niyang hinawakan ang pisngi ko at tinignan ako sa mata.

Ghad I'm drowning...

"I'm sorry if you feel that way... I'm j-just... Just not right now..." Pahina ng pahina niyang sabi kaya hinawakan ko anv kamay niya na nasa pisngi ko saka tiningnan siya sa mata.

"I can wait." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya na hindi ko mabasa kung anong sinasabi.

"I don't want to be a barrier to your dreams." Sabi niya at tinitigan ang mga mata ko na may halong pag-aalala.

"You're my dream." Ngumiti ako sa kaniya saka hinila siya para mayakap. Niyapos naman niya ako pabalik kaya mas lumawak ang ngiti ko.

Ghad! What did I deserve to have this woman beside me. Wala na akong mahihiling pa, siya at siya lang.

"I love you..." Mahina kong sabi kaya mas hinigpitan niya yung yakap saka sumiksik sa leeg ko.

" Just please wait for me..." Bulong niya at tumango naman saka tumingala at tumingin sa kalangitan.

"I will... I don't care how long it takes." Hinalikan ko siya sa noo saka hinaplos ang buhok niya.

I will wait for you no matter what. Wala akong pakialam kung gaano katagal. Basta sisiguraduhin ko na mapapasakin ka. Not now, but soon. When you're ready.

"Can I court you?" Sabi ko saka nilayo siya ng kaunti para tiningnan siyang muli.

I will never get tired of admiring her. I love everything about her. Not just her beauty and brain, I love her whole self.

"Yes..." Her answer made me super happy to the point that tears went down my cheeks because of happiness.

I love you Sophia Anastasha Del Rosario.

-----

"May ikababagal ka pa bang kumilos? Nakakahiya naman dun sa flight natin na kanina pa nag-aantay eh." Inis na sabi sa akin ni Cehir pero ito ako pachill-chill lang at parang walang naririnig.

Nandito na kase kaming airport papuntang Paris. Sabi ko naman na ayaw ko ng sumama kase tinatamad ako pero itong isa naman ay mapilit.

Nandito kami sa CR kase inaayos ko pa mukha ko. Ito namang kasama ko ay kanina pa reklamo ng reklamo. Aba need ko magpapogi points na lalabs ko.

Speaking of her, kasama niya crush nitong isa somewhere. Sa private plane na ata sila. Yun daw gagamitin eh. Grabe na talaga mayayaman. Naligaw lang talaga ako sa kanila eh.

"Wait lang kase!" Reklamo ko pero nagbusangot lang itong kasama ko kaya napairap ako.

"Ang bagal!"

"Ayusin ko lang damit ko. Mukha akong pinabayaan pota." Inis kong sabi sa kaniya pero ang gago tinapunan lang din ko ng irap.

"Lagi naman..." Bulong niya pero rinig ko naman. Taina kaibigan ko ba talag ito?

"May sinasabi ka, Cehir Nyra Harper?" Taas kilay kong sabi at lumingon saglit sa kaniya at binalik ulit ang tuon sa pagliligpit ng gamit ko.

"Sabi ko sobrang bagal mo." Irap niya saka nagpapapadyak pa kaya napabuga na lang ako ng hangin.

Because Of YouWhere stories live. Discover now