Sinubukan kong bumangon sa higaan ko pero hindi ko kaya. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko, nahihilo din ako.
Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Ang sakit lang, sa akin na naman sinisi ni lolo yung pagkamatay ng parents ko. Hindi ko napagtanggol sarili ko. Wala akong kaalam-alam kase ang bilis lahat ng pangyayari. The last thing I knew is nagising na ako sa hospital.
Ang sakit. Ang bigat na ng pakiramdam ko ngayon. Sana pala hindi na lang ako nabuhay. Sana pala namatay na din ako nung araw na yun.
Humiga na lang ulit ako saka tumitig sa kisame.
Everything is bullshit...
Nang mahimasmasan ako pagkaraan ng ilang oras na pag-iiyak ay naisipan ko tingnan kung anong oras na ba.
Fck. Anong oras na ba?
Tiningnan ko naman yung phone ko at biglang napaupo ako which is pinagsisihan ko kase nahilo ako.
TAINA 3PM NA, EH UWIAN NA DIN NILA HINDI NA AKO MAKAKASUNOD SA SCHOOL.
Humiga na lang ulit ako dahil sa hilo. Bahala na eh, event lang naman this week. Nag-aayos lang naman sila ngayon for sure.
Ang lamig. Nagugutom na din ako. I feel like slowly dying.
Kahit masakit pa ulo ko ay pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit pagewang-gewang na ako papuntang pintuan.
Wala din namang mag-aalaga sa akin. Sariling kamag-anak ko nga tinakwil ako eh, hays.
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng biglang bumakas ito. Inuluwa nito si...
MISS DEL ROSARIO??? WHAT THE FUCK IS SHE DOING HERE? AT PAANO NIYA NALAMAN BAHAY KO?
"I asked Cehir to bring me here, since you didn't go to school earlier. Are you skipping your responsibilities as a Vice President?!" Medyo irita niyang sabi sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin at naglakad palabas kase wala ako sa mood ngayon.
Bigla naman niya akong hinawakan sa braso kaya napatigil ako saka lumingon sa kaniya.
Ano ba yan? Araw-araw na lang ako sinisigawan eh.
"Where do you think you're go- YOU'RE FREAKING BURNING HOT AND WHY THE FUCK YOU HAVE SO MANY BRUISES?!" Hinila niya ako ng marahan papunta sa bed ko at pinahiga ako.
"I can take care of myself po." Tatayo na sana ako pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin saka tumayo na.
"SIT DOWN VELASCO." Pasigaw na niyang sabi sa akin kaya naman nagitla ako at bumalik na lang sa higaan ko.
"Shit." Lumapit siya sa akin saka nag-alinlangan kung yayakapin ba ako pero sa huli ay niyakap pa rin niya ako.
Hindi ko na namalayan na naiyak na pala ako haha
"Hushhh now..." paulit-ulit niyang sabi sa akin saka hinahagod ang likod ko.
Umiyak na lang akong umiyak hanggang sa nakaramdam akong antok at nakatulog na.
---
Nagising ako ng may maramdaman akong dumadamping malamig sa mukha ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko Miss Del Rosario na pinupusan ako.
"Miss, sabi ko naman po sa inyo na kaya ko pong alagaan sarili ko." Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya naman napatawa na lang ako ng mahina.
"Can you sit down? So I can properly clean your bruises." Walang imik akong umupo at tumingin lang sa kaniya. Buti na lang gumaan yung pakiramdam ko ng slight.
YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: