CHAPTER 34

2.1K 54 2
                                        

"Nakakagutom naman..." Bulong ko habang nag-aayos ako ng gamit sa cabinet dito sa room namin ni Sophi.

Dalawang room lang yung kinuha ng magpinsan sa hotel para raw mabantayan kami.

Loyal kaya kami ni Cehir!

Lumingon naman ako kay Sophi na ang himbing na ng tulog sa kama. Napailing na lang ako dahil sa ka-kyutan niya dahil nakalaylay yung kamay niya sa gilid ng kama.

Naayos niya na rin yung damit niya kaya sana all. Siya kase unang naligo sa amin, eh umidlip lang ako habang iniintay siya huhuhu

After kong maayos ang gamit ko ay pumunta muna ako sa gilid ng kama para tumawag at umorder ng pagkain. Dinamihan ko na rin incase na magising siya. Madaling araw na rin kase.

Pagkatapos ko umorder ay pumunta ako sa balcony para tumambay habang iniintay yung pagkain.

Tumingala ako at tiningnan ang magandang kalangitan na puno ng bituin at isang maliwanag na buwan.

I never thought na mapapansin niya ako in the first place and it's really unexpected na magkakaroon ako ng feelings sa kaniya.

I feel safe around her. Kahit ang sungit sungit niya and hindi ko maintindihan minsan mood swings niya, lumago pa rin yung nararamdaman ko.

I already have her permission to court her. Sabi niya sa akin, hindi pa daw siya ready pumasok sa isang relationship. It's fine with me. Kahit gaano pa katagal, iintayin ko siya. Ayoko siyang madaliin at piliin. I always respect her and her decision.

I'll be by her side no matter what. It's just that I feel comfortable nung unang kita ko pa lang sa kaniya. Meron sa loob ko na nagsasabi na parang kilala ko na siya dati pa.

I'll find out who you really are my love.

Natigilan naman ako ng biglang may kumatok sa room namin. Dumating na ata yung inorder kong pagkain.

Naglakad na ako papunta sa pintuan para kunin ang pagkain at saka nagpasalamat na sa naghatid nung pagkain.

Pagkabalik ko sa kwarto ay nakita ko ng nakaupo si Sophi sa higaan, nagising ata dun sa katok.

"Did you sleep well?" Tanong ko sa kaniya ng hindi nililingon dahil inaayos ko pa yung pagkain sa mini table rito sa loob ng room.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya nilingon ko siya pero nakaupo pa rin ito habang nakapikit.

Bakit lahat ng ginagawa niya ay ang cute tingnan?

Napailing na lang ako saka tumawa ng bahagya. Nilapitan ko siya saka tinapik ng mahina ang pisngi niya.

"Humiga ka ng maayos kung inaantok ka pa." Ihihiga ko na sana siya pero hinawakan niya lang ako sa braso para patigilin.

"I'm hungry~" Pailing-iling niyang sabi saka pinipilit na buksan ang mga mata.

Tamo 'to. Inaantok pa eh! Napakamapilit talaga.

Huminga na lang ako ng malalim dahil alam kong hindi ko naman siya mapipilit and ayoko naman na mag-away na naman kami if ever.

"Dito ka na lang ba kakain sa bed? Dadalhin ko rito yung pagkain." Umiling naman siya saka binuksan ng bahagya ang mata para tingnan ako.

"No. I'll stand up." Sabi niya saka tinungkod ang parehas na kamay sa gilid niya at inangat ang katawan ng bahagya.

"Ok." Nauna na akong tumayo para alalayan siya dahil alam kong wala pa siya sa wisyo. Napagod ata sa byahe.

Hindi pa siya nakakatayo ng maayos ay agad siyang napasubsob sa higaan kaya naman napahagikgik ako.

Because Of YouWhere stories live. Discover now