Tuesday na ngayon at test na namin bukas. Kaya need kong gawin ay mag-aral ulit hehehe
Syempre ayaw ko bumagsak. May mga pangarap pa ako sa buhay. Tamong gusto kong maging tambay, tamang antay-antay lang ng sugar daddy ehe... Joke lamg syempre huhuhu
Nagmamadali na akong pumunta sa school dahil trip ko lang, bat ba?
Papunta ako ngayon sa canteen dahil dito na ako kakain ng breakfast ko, which is yung sandwich at kape nila dito.
Habang naghahanap ako ng mauupuan ay nakita ko naman si Miss Martinez sa isang table kaya lumapit na agad ako.
"MISS!!!" Pasigaw kong tawag sa kaniya pero sinamaan niya lang ako ng tingin saka umirap.
"You don't need to shout, Velasco." Umisog naman siya para makaupo ako, nagtatawa na lang akong nakatingin sa kaniya at umupo.
May narinig naman akong tumikhim sa unahan namin kaya napatingala ako at napansin ko na nandun pala sina Miss Garcia at... MISS DEL ROSARIO??
"Ay nandito po pala kayo hehe. Good morning po." Bati ko sakanila at ngumiti.
"Good morning, Miss Velasco." Bati sa akin ni Miss Garcia kaya nginitian ko siya.
Hindi ako binati ni Miss Del Rosario pero hinayaan ko na lang. Alam ko namang hindi ako babatian nyan. Sino ba naman ako para batiin niya diba?
"Miss Martinez?" Tawag ko sa katabi kong professor na kumakain, tiningnan niya naman niya ako ng nakakunot ng noo kaya napatawa ako ng mahina. Cute.
"Yes?"
"Miss, paturo naman po, para sa test namin bukas hehe."
"And why would I?" Taas kilay niyang tanong pero nagpuppy eyes lang ako sa kaniya huhuhu
"Ehhh~ Miss naman please?" Mas lalo akong nagpacute para maging effective pero hindi ata gumana huhu
"No." Umiwas naman siya ng tingin sa pamamagitan ng pag-irap saka dumila sa akin kaya naman napasimangot ako. Damot naman po this professor huhu
"Miss sige na po~ Libre na po kita kain tayo sa la-"
"Okay sure. I'll chat you later after I do some things." Nanlaki naman bigla ang mata ko at napatigil dahil sa pagsalita
"Bilis po huh? Basta libre talaga?" Nagtatawa naman siyang tumayo dahil gagawin daw muna niya yung mga gagawin niya.
"I'll get going." Paalam niya dun sa dalawang professor at saka tumingin ulit sakin at kumindat. "I'll chat you." Napanganga na lang ako sa ginawa niya.
GRABE JOKE LANG NAMAN YUNG SINABI KO NA MANLILIBRE AKO EH, SINERYOSO NI MISS HUHUHUHU
"Hala-" pabulong kong sabi dahil mauubusan na naman ako ng pera.
Narinig ko naman na napatawa si Miss Garcia kaya nakanguso akong tumingin sa kaniya.
"Swerte mo. Never yun sumama sa mga nagyayaya sa kaniyang kumain sa labas. Kami nga na bestfriend niya bago pa namin mapilit yan sumama. Pagdating talaga sayo, nako nako..." Pabulong na niyang sinabi yung parteng dulo kaya hindi ko na narinig.
Tiningnan ko na lang sila ng hindi makapaniwala.
"Miss joke lang naman po yun eh huhuhu. Mawawalan na po ako ng pera nito, save me." Nagpuppy eyes ako ako kay Miss Garcia pero tumawa lang ito.
"Don't worry, I'm sure she'll not let you spend any money, even just a cent." Pailing-iling niyang sabi kaya napanguso ako.
"Sige na po, una na po ako. Magrereview na lang po muna akong library habang inaantay si Miss." Kumaway naman si Miss Garcia habang paalis ako pero si Miss Del Rosario ay hindi lang nagsalita at nagpakabusy sa cellphone niya.
YOU ARE READING
Because Of You
De Todo"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: