"TATA SKYLEIGH!!!" Nagtataka naman akong napalingon sa batang lakaki na tumakbo palapit sa akin.
Kahit na nagtataka ay ngumiti pa rin ako saka lumuhod para mapantayan siya.
"Hi! Ang gwapo mo naman. Ilan na girls mo?" Natatawa kong sabi saka ginulo ang buhok niya pero nagpout lang ito. Cutie!
"Tata I missed you!" Nabigla naman ako sa biglaang pagyakap niya rin sa akin.
Why does this boy knows me?
Nagtataka ko namang nilingon si Miss na nasa unahan lang namin pero umiwas lang ito ng tingin saka hinila yung bata palayo.
"Stop. Shawn." Malumanay niyang sabi habang nakatingin ng maigi sa bata.
"But tata-"
"Just go play with your sister, hmmm?" Tumango ng bahagya si Skyler saka tumaas na para ata puntahan yung kapatid.
Lumingon naman siya sa akin kaya napatayo na rin ako ng maayos.
"Paano niya ako nakilala? As far as I know, ngayon pa lang ako nakakapunta rito?" Nagtataka kong tanong pero tiningnan niya lang ako.
"Uhhh..." Bigla siyang napahinga ng biglang may tumawag sa kaniya.
"My beautiful daughter!" Parehas kaming napalingon sa babaeng tumawag sa kaniya.
Mother niya ata kase kahawig niya and parehas pa silang maganda taina! Beh ang bata pa rin tingnan ng mommy niya huhuhu
"Mom." Sabi ni Miss saka lumapit sa ina at niyakap ito.
Maya-maya naman ay napalingon sa akin yung mommy niya at nanlalaki pa ang mata. May mali ba sa mukha ko?
"H-Hello po. G-Good evening po." Nahihiya kong sabi saka ngumiti at nagbow ng kaunti.
"L-Leigh..." Hindi ko naman maiwasan na magtaka dahil sa nasabi niya. Meron ba akong hindi ko alam?
Bakit kilala nila ako rito?
"Mom please..." Rinig kong bulong ni Miss sa kaniyang mommy kaya naman naubo na lang ang kaniyang ina saka bumaling ulit sa akin.
"Oh my bad... Good evening to you too, anak." Nakangiti niyang sabi kaya naman hindi ko maiwasan na mapangiti muli.
"Skyleigh po pala, Mrs. Del Rosario." Nilahad ko naman ang kamay ko pero nanigas naman ako ng bigla na lang niya akong hilahin para mayakap.
"Shanty Del Rosario, anak. Just call me mom." Natatawa niyang sabi sa akin ng humiwalay siya sa yakap.
"O-Okay po Mrs. -- mom. " Napakamot na lang ako sa batok saka binalingan ng tingin si Miss na pailing-iling lang sa amin.
"We will eat dinner here, mom."
"Okay, good yan! Magpapaluto ako mamaya ng lahat ng paborito niyong foods." Masayang sabi ni Mom saka nagpapalakpak pa.
Wow nakiki-mom ampota.
"Thank you, mom." Hinawakan na ako ni Miss sa braso saka hihilahin na sana pero hindi ako nagpadala kase may sasabihin pa ata ang mommy niya.
"Just call me kung may gusto pa kayong ipaluto." Nakangiti niyang sabi kaya naman napangiti na rin ako. Nakakadala ngiti ng mommy niya beh huhuhu
"Yes po. Taas lang po kami." Maglalakad na sana kami pero agad akong napatigil dahil tumigil rin si Miss sa sinabi ng mommy niya.
"Sige. Huwag lang masyadong mag-iingay if ano ha." Nakangising sabi ng kaniyang ina kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin dahil alam ko yung sinasabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/299495712-288-k300268.jpg)
YOU ARE READING
Because Of You
Casuale"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: