CHAPTER 45

2.1K 42 2
                                        

Another memory from the past

"Saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Cehir habang naglalakad kami.

"Office ng Student Council." Bored kong tanong saka umirap ng maalala ko kung bakit ako papunta doon ngayon.

"Anong gagawin mo dun?"

"Malay ko! Tanong mo sa President niyo!" Inis kong sagot sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

"Bakit nagagalit?"

"Tamad na tamad ako ngayon araw tapos uutusan niya akong pumunta dun. Tapos mamaya paggagawin na naman niya ako ng kung ano." Reklamo ko pero ang luko tinawanan na naman ako saka inakbayan.

"Hayaan mo na... Okay na rin yun para hindi kami tarayan." Tinaas baba pa niya yung kilay niya habang sinasabi yun kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"So okay lang na ako yung tatarayan ganun?"

"Hehe~ Tara sabay na tayo, papunta rin ako dun." Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya na higitin ako papunta sa office nila.

Hindi dapat ako pupunta dun kung hindi niya ako tinakot. Tinakot ba naman ako na ie-expel daw niya ako sa school... Kinabahan naman ako dun since nalaman ko na family pala nila may-ari nung school and knowing her, kaya niyang gawin talaga yun! Diba! Siya na nga nanghihingi ng tulong, siya pa galit.

"Go beh! Para sa aming mga student council members!" Tinulak niya ako papunta sa tapat ng kwarto ni Pres kaya naman mas nainis ako.

Every members kase ng Student Council ay merong sariling room. Ang yaman talaga nitong school na 'to. Paano ba ako napadpad dito?

"Fuck you!" Binigyan ko rin siya ng bad finger habang sinasabi yun kaya nakatanggap ako ng tawanan mula sa ibang members na pinapanood na rin kami.

"Go on babe~ I'm willing to do it with you!" Malandi niyang sabi kaya tiningnan ko siya ng nandidiri.

Tangina! The fuck is that?!

"HARPER!" Biglang sigaw ni Ally kaya natawa ako dahil napapitlag si Cehir sa gulat.

"H-Hi Ally hehe..." Kabadong sabi ni Cehir saka akmang yayakapin si Ally ng bigla na lang siyang tinalikuran nito.

"Deserve bitch!" Inis kong sabi saka tinalikuran na siya at walang katok katok na pumasok sa room ng President nila. Narinig ko pa ang tawanan sa labas kaya napailing na lang ako.

"Don't you know how to knock?" Inis niyang tanong at hindi man lang ako nililingon dahil busy siya sa laptop.

"I'm not in the mood to argue." Walang emosyon kong sabi saka pumunta sa sofa at naupo.

"Tsk."

"Anong gagawin ko rito?" Nawawalang pasensyang tanong ko.

Hindi kase siya nagsalita nung umupo ako sa sofa kaya hindi na ako nakapag-intay na tanungin siya kung ano ba talaga gagawin ko rito.

"Nothing." Kibit balikat niyang sabi habang nag-aayos ng mga papel sa table niya at hindi man lang niya ako nililingon.

"Are you being serious right now?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay kaya hindi ko napigilan na mapairap.

"What?"

"You're unbelievable." Pailing-iling kong sabi at pinipigilan na mainis dahil ang layo pa ng nilakad ko papunta dito.

Because Of YouWhere stories live. Discover now