CHAPTER 28

2K 49 7
                                    

"SKYLEIGH BABES!!!" Napalingon naman agad ako dahil umalingawngaw na naman ang boses ni Cehir pagkababa ko ng sasakyan.

Pailing-iling na lang akong nakangiti habang palapit siya sa amin. Kahit na gago yan, namiss ko pa rin siya.

Ilang araw kaming hindi nagkausap ng maayos. Lagi namang hindi maayos usapan namin, syempre puro kagaguhan eh. Pero what I mean is yung kamustahan parang ganon.

Basta yun ah...

Agad namang napabalik ang tingin ko kay Miss ng tumikhim ito at masama na ang tingin sa akin.

"Call me if you'll go home already. I'll drive you home."

"No need na po." Tumaas naman ang isang kilay nito at tinitigan lang ako lalo.

"Really?" Napanguso na lang ako dahil may halong pagbabanta yung pagkakasabi niya.

"Yes-"

"Yeah?" May halos inis na yung pagkakasabi niya kaya naman napabuntong hininga ako saka tumango.

"Sabi ko nga tatawagan kita kapag uuwi na ako." Kamot batok kong sabi saka tiningnan siya pero inirapan niya lang ako.

"Good. Take care. Bye." Nginitian ko siya saka kumaway at napatigil naman ang pagtibok ng puso ko ng binigyan niya ako ng maliit na ngiti.

It's just a small smile but has a big impact in me!

"Bye. Ingat!" Tumango na lang siya saka nagmaneho na paalis.

"Ikaw ha!!" Muntikan ko pang masuntok si Cehir dahil sa gulat pero buti na lang nakaiwas siya.

"PUTA-- PAPATAYIN MO BA AKO SA GULAT?!" Inis kong binalingan si Cehir pero nagpeace sign lang siya habang natawa.

"Puro landi kase, hindi man lang ako napansin na kanina pang nakatayo dito." Pailing-iling niyang sabi at umakbay sa akin saka sabay kaming naglakad papasok ng mall.

"Eh hindi ka man lang nagsasalita dyan." Inis kong sabi sa kaniya pero tumawa lang siya.

"Syempre bebe time niyo eh." Dumila pa siya sa akin kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran at napadaing naman siya. Desurb.

"Bebe time ka dyan."

"Bakit? Hindi ba?" Takang tanong niya saka tiningnan ako ng nagtataka.

"Wala namang kami." Kibit balikat kong sabi saka ngumiti ng bahagya para hindi masyadong mahalata na malungkot ako.

I wish we have a lable. Ang sakit isipin na may mga nagawa na kaming sweet memories pero hindi ko naman masasabi na may kami.

"Oh... Sakit naman nan, tara shot na lang!"

"No! Nagbabagong buhay na ako." Seryoso kong sabi pero nakatanggap lang ako ng batok kaya napanguso ako.

I'm changing my life. For a better me. Yes slay!

"Anong bagong buhay ka dyan? Gaga. Kampon ka pa rin ni Satanas kahit anong mangyari."

"Ay sorry pero anghel na ako ngayon."

"Anghel ampota pero demonyo sa mga kagaguhan." Natatawa niyang sabi saka binatukan ulit ako.

Nakakailan na siya ah!

"Ikaw din naman ah." Binatukan ko rin siya pabalik pero mas malakas. Bahalang maalog yung ulo niya, wala namang laman.

"ARAY NAMAN!" Inis niyang sabi saka hinimas ang ulo kaya natawa na lang ako.

"So bakit mo ba gustong gumala ngayon." Takang tanong ko sa kaniya dahil hindi naman talaga masyadong nagyayaya gumala itong si Cehir eh. Recently kase talaga busy kami. Buti na lang talaga may one week break kami ngayon.

Because Of YouWhere stories live. Discover now