CHAPTER 9

2.2K 52 0
                                        

Nagising ako ng maramdaman ko na bumukas yung pinto. Minulat ko naman yung mata ko at napansin ko na si Miss Martinez pala yung nagbukas. Nagtititigan na naman sila ni Miss Del Rosario.

Anmeron ba dito sa dalawang ito?

"What are you doing here?" Miss Del Rosario said coldly. Pero hindi siya pinansin ni Miss Martinez at lumapit sa akin.

"I'm getting Leigh." Malamig ding sambit ni Miss Martinez.

Tapos ako ito parang napako sa upuan at hindi makapagsalita dahil sa tensyon na namamagitan sa dalawa.

"Let's go?" Nakangiting tanong ni Miss Martinez sa akin kaya tumango ako.

Lumapit naman ako kay Miss Del Rosario na ngayon ay nakatingin na sa akin at nakataas ang isang kilay.

"Una na po ako. Thank you po ng marami hehe." Tinanguan niya lang ako saka nagpakabusy sa laptop niya.

Hinila na naman ako ni Miss Martinez palabas kaya wala na akong nagawa kung hindi ang magpadala sa kaniya.

Pagdating namin sa parking lot ay namangha naman ako sa kotse niya. Shocks my dream car. Lamborghini Aventador.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Miss Martinez kaya napatingin ako sa kaniya saka nagpout.

"Is it your dream car?" Tumango naman ako sa kaniya habang hinahawakan yung kotse.

"I can buy you o-" Agad naman akong napalingon sa kaniya at umiling.

"No, miss. Don't you dare." Tumawa lang siya sa naging reaction ko. I know that if she says it, she can really do it.

"Okay okay." Natatawa naman niyang sabi habang papunta sa driver's seat. Agad naman din akong pumunta dun at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thank you." Sabi niya saka ngumiti kaya nginitian ko na lang din siya saka pumunta na sa shotgun seat.

"Saan po pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang siya naman ay nagsisimula na magmaneho.

"Drop the po's and just call me Miss Reign."

"Pero po miss-" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang tumaas yung kilay niya.

"Sabi ko nga po- Sabi ko nga Miss Reign." Nakakatakot naman kase ito eh, isa pang parang mangangain eh huhuhu

"Where do you want to go? Since it's already lunch, we should eat first."

"Kahit sa mall na lang tayo kumain." Tumango siya saka niliko yung sasakyan papuntang mall

"Do you have classes later?"

"Yep. 2pm, last period namin, 11 pa lang naman."

"Who's the professor?"

"Si Miss Del Rosario." Lumingon siya sa akin saglit saka binalik ulit ang tingin sa daan

"Ohhh... Goodluck, bet she's not in the mood later." Kinindatan niya naman ako pero tiningnan ko lang siya ng nagtataka.

"Okay po?" Tumawa naman siya ng mahina saka bumaba na. Sakto din kase na nandito na kami kaya lumabas na din ako.

"Let's just eat first." Tumango na lang ako sa sinabi niya saka siya sinundan.

"Okay po."

"Where's do you want to eat?" Tanong nita habang natingin tingin kami sa mga restaurant na pwede naming kainan.

"Kayo na po bahala. Kayo naman po manlilibre eh hehe." Tumango lang siya sa akin saka pumasok na sa isang ramen restaurant.

Because Of YouWhere stories live. Discover now