SHET! SHET! LATE NA AKO FOR PETE'S SAKE!!!
Last day na ng exams namin ngayon. Last subject na lang need ko i-take and kay Miss Del Rosario na lang yun. Alam niyo naman yun, ayaw niya na late.
Dahil ayaw ko bumagsak ay na ito ako ngayon nagtatatakbo sa hallway, hindi na pinapansin kung ano man ang itsura ko ngayon.
After pala nung mga naganap sa condo ni Miss Del Rosario ay hindi na din kami halos nagkakausap kase busy na din since tests na and syempre magcocompute na sila ng grades nun after.
Muntikan pa akong madapa dahil bigla na lang may humawak sa braso ko kaya pagalit ko din siyang tiningnan.
"Can we talk?" Tiningnan ko lang yung taong humawak sa akin. Napailing na lang ako ng mapansin ko yung mata niyang makungkot.
Wow! All this time, magkakaroon pa siya ng gana na malungkot.
"Bitawan mo ako, late na ako sa test ko." Pilit kong inaalis yung kamay niya sa akin pero may hinigpitan niya lang yung pagkakahawak.
"Just this time. Pakinggan mo naman ako." Natawa naman ako ng mapait dahil sa sinabi niya.
"Pakinggan? Nagpapatawa ka ata. All the time na magkasama tayo, pinapakinggan kita, iniintindi kita. Tapos ngayon sasabihan mo ko na pakinggan kita? Nanggagago ka ba?" I'm raging with anger.
"S-sorry-" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at tinulak-tulak siya
"SORRY?! TANGINA NAMAN! Lagi ko nang naririnig sayo yan. All this time inintindi ko yung nga tanginang reasons na sinasabi mo sa akin." Hahawakan niya na sana ako pero iniwasik ko lang yung kamay niya.
"I want to clear things-"
"Clear things?! Kitang kita ko na yung mga kagaguhang ginawa mo sa akin. Tapos gusto mo pa na ipaliwanag yung mga yun?" Kaunting-kaunti na lang sasabog na ako. Yung luha ko namumuo na. Please not now. Kailangan kong ipakita sa kaniya na malakas ako.
"It's not what you think-"
"TANGINA! HINDI AKO BOBO PARA ISIPIN NA WALA LANG YUN. TANGINA ETHAN! ILANG BESES NA KITANG NAKITANG NAGLOKO. I-ILANG B-BESES NA DIN K-KITANG P-PINATAWAD." Hindi ko na kinaya yung mga nailalabas ko kaya pati yung luha ko tumulo na.
Ang sakit. Ginawa niya lang kalokohan lahat ng nangyari sa amin.
"I l-love you."
"I L-LOVED YOU!" Sinusuntok ko na siya kahit nanghihina na ako.
Tangina niya!
"Please-"
"Ayoko na. Ginawa mo lang kagaguhan yung relasyon nating dalawa. Pagod na pagod na ako sayo, sa kakaintindi sayo. Ang toxic mo, ang gago mo. Itigil na natin ito." Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula na akong naglakad.
"Okay if that's what you want. Bye." Huli kong narinig mula sa kaniya.
Ang sakit... Hindi man lang niya akong nagawang habulin. Hindi niya man lang ako naipaglaban. Ganon ba ako kawalang kwenta? Sabagay, ginawa nga lang niyang kagaguhan ang lahat eh.
Nagluluha akong naglalakad papuntang classroom. Gusto ko ng umalis, kaso baka makita ako ng dean na naglalakad palabas, exam hour pa naman ngayon.
Pagkabukas ko ng classroom ay napunta sa akin ang atensyon ng iba kong kaklase pati si Miss Del Rosario. Halata na gulat sila sa itsura ko dahil for sure mukha na akong tanga ngayon.
Buti na lang kakaunti na lang sila, baka tapos na yung iba kaya kaunti na lang ang nandito.
Dere-deretso naman akong pumunta sa upuan ko na natulo pa rin ang luha ko. Tanginang luha ito ayaw tumigil.

YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: