CHAPTER 26

1.9K 49 1
                                    

Pinipilit kong imulat ang mata ko dahil may nahikbi sa tabi ko...

"W-wake u-up... P-please..."

"Y-Youre g-getting me w-worried..."

Kahit na nahihirapan ako ay pinilit ko pa rin ipilit na imulat ang mata ko para makita ang naiyak sa tabi ko.

It's Miss Del Rosario... It hurts me to hear her cry.

Nanginginig ang kamay kong itinaas ang kamay ko para hipuin siya sa ulo. Nakatungo kase siya sa kama kaya hindi niya ako napansin na nagising na.

Pagkalapat ng kamay ko sa ulo niya ay agad itong napatingala sa akin saka bigla akong niyakap kaya nagulat ako.

"G-Gosh! You're finally a-awake." Tumawa ako ng mahina saka pinunasan ang mga luha niya na patuloy pa ring naagos.

"Okay na po ako, Miss."

"Do you need anything? Food? Water? Do you want yo watch something? Do you want stuffs? I can buy-" Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya para putulin ang sasabihin niya. Masyado siyang concern.

"Chill lang Miss. I'm fine." Natatawa kong sabi dahil ang dami niyang tinanong. Hindi ko kayang sagutin yun ng sabay-sabay.

"Are you sure?" Ngumiti ako sa kaniya para ipakita sa kaniya na okay lang ako saka tumango.

"Kahit tubig na lang, miss."

"Okay. I'll tell yaya, but later you need to eat, okay?" Tumango na lang ako sa sinabi niya at ngumiti ito sa akin saka lumabas na ng kwarto niya.

Masyado siyang pafall...

Umupo ako sa kama kahit na nanghihina ako, medyo mainit din ako ngayon kaya napangiwi na lang ako sa lagay ko.

Luh! Nilagnat ako dahil lang dun sa kung ano mang nakita ko sa isip ko?

Pero ano ba yung nangyaring yun? Bat parang totoo? Nangyari na ba sa akin yung dati? Bat wala akong maalala? Bakit blurred din yung mukha nung babae na tinatawag kong hon? Girlfriend ko ba siya?

Pero impossible, wala naman akong naging jowa dati. Pero...

Tangina talaga! Lalo lang nasakit ulo ko dahil dun eh. Ang dami ko na ngang pinoproblema, lalo na yung death threats na nakukuha ko tapos sasabay pa yun.

Napatingin ako sa pinto at napangiti ng patago dahil ang cute niya tingnan kahit na may dala lang siyang tray na may tubig tapos tinapay sa gilid.

Aa Leigh, iba na yan...

"Are you sure you are really okay?" Bungad niya agad sa akin pagkalapit niya.

"Mhm..." Tatango-tango kong sabi habang pinapanood lang siyang ayusin yung dala niya sa may kama.

"You need to eat so you can drink your medicine. You have a low fever." Umiling naman ako saka bahagyang nilayo yung pagkain. Tubig lang talaga gusto ko ngayon, wala talaga akong gana kumain.

"No~" Angal ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay saka nilapit ulit ang pagkain sa akin.

"You need to." Madiin niyang sabi pero humarap lang ako sa ibang side saka umiling ulit.

"Ayaw." Matigas ko pa ring sabi habang nakacrossed arms pa.

Ayaw ko talaga eh huhuhu

"Velasco."

"No. I don't want to."

"One."

"Never."

Because Of YouWhere stories live. Discover now