CHAPTER 37

2.1K 56 5
                                        

Another POV for our other couple! Since sa mga next scene ay magfofocus na sa main couple natin! So yeah, bigyan muna ulit natin ng 1 chap sila hehehe! Hope you'll like it!

~~~~~

Cehir's POV

"Here you go again?!" Pasigaw na salita na naman ni Ally kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Ano na namang ginawa ko?" Mahinahong tanong ko dahil ayaw ko naman sabayan yung galit niya.

Lately kase lagi na siyang nagagalit simula nung ligawan ko siya. Wala naman akong ginagawa. Lumalayo na nga ako sa iba eh lalo na sa mga taong alam kong pagseselosan niya.

"You're flirting again!" Napailing na lang ako saka naupo sa bench na nasa gilid namin habang siya ay nakatayo pa rin at masama ang tingin sa akin.

"Flirt? Ally bata yun..." Nakakunot noo kong sabi pero inirapan niya lang ako.

Nakita niya kase ako kanina na may kasamang bata. Nasa mall kase kami kanina and nagpaalam muna siya na magccr. Habang inaantay ko siya, may lumapit sa aking bata, nakikipaglaro. Syempre dahil mahilig ako sa bata, nakipaglaro na rin ako. Tapos pagkabalik naman nito ni Ally, galit na galit, wala naman akong ginagawang masama.

"Now you're calling me by my name!" Hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya.

Ghad! Bakit ganto siya ngayon!

"I..."

"Now you can't talk!"

"Come on love... Calm down." Nakakailang buntong hininga na ako sa mga pinag-uusapan namin ngayon. Walang mahahantungan ito eh!

" Why would I?!"

"Are you pregnant? Lagi kang bad mood." Pang-aasar ko para huminahon siya pero mas nagalit ata siya sa sinabi ko. Wrong move...

"Do you even think your fingers can make me pregnant, huh?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Tangina...

"W-What?!"

" You don't even have a thing to make one with me." Inis niyang sabi sa akin kaya napayuko na lang ako habang pailing-iling.

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya saka ngumiti ng mapait. I can see guilt in her eyes.

"Wow..." Natawa ako ng mapait saka tumayo.

"Then I'm sorry if I can't give you that." Hindi ko na siya inintay pa magsalita at naglakad na palayo.

I'm not angry, I'm just hurt. Sumobra naman ata yung mga sinabi niya. Wala naman akong ginagawang ayaw niya para pagsalitaan niya ako ng ganon. Ginagawa ko naman yung best ko para maparamdam ko talaga yung pagmamahal ko sa kaniya.

Pangarap niya talaga magkapamilya pero hindi ko naman kayang mabigay yun sa kaniya. Pero hindi naman niya kailangan na sabihin sa akin yun. I also want to have a family... with her.

Napabuntong hininga na lang ako saka naglakad papunta sa bahay. Iniwan ko yung susi ng kotse sa bench in case na umalis siya dun. Ayoko naman na maglakad siya or magtaxi, baka mapano pa siya.

Pagkapasok ko sa bahay ay hindi ko na napigilan na mapangiti ng malungkot. May ganon ba?

It's a house that we bought. It's especially for the four of us. Binili talaga namin ito ng unang punta pa kang namin dito. Ewan ko doon sa magpinsan, lakas ng tama ay. Unang punta pa lang dito, bili agad ng bahay.

Because Of YouWhere stories live. Discover now