"Huwag talon ng talon, baby Shawn. Baka mahulog ka." Suway ko kay Shawn na tumalon na lang ng tumalon sa sofa.
Lintek na bata ito, napakakulit.
"No, tata." Iling niyang habang patuloy pa rin na natalon.
Tumayo na ako saka binuhat siya paupo. Kapag ito nahulog pa, ako pa may kasalanan.
"Don't be hardheaded, sit down."
"You're so KJ tata." Umirap siya kaya naman hindi ko na napigilan na pisilin siya sa ilong.
Attitude pala itong batang ito.
"It's for you safety."
"Nye. Nye." Napailing na lang ako sa inasta niya saka umupo sa tabi niya.
Pinapanood ko lang siya na nagpapakabusy sa paglalaro sa tablet niya.
"Velasco?" Napaangat naman ang tingin ko sa tumawag sa akin.
"Yes po?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
Anong namang kailangan ni Miss?
"Can you accompany me to the mall?"
"What if ayoko po?" Panggagago kong sagot pero sinamaan lang niya ako ng tingin.
Luh.
"What if I punch you?" Inis niyang sabi saka akmang susuntukin na ako pero ginawa kong shield pamangkin niya.
Aba walang bata-bata rito.
Dahil naman sa ginawa ko ay mas sumama ang tingin niya sa akin habang kinukuha si Shawn at pinaupo ulit pero malayo na sa akin.
"Nagtanong ka pa kung hindi ka naman papayag kapag humindi ako." Bulong ko para hindi niya marinig. Kase tru naman huhuhuhu
"Are you saying something?" Taas kilay niyang sabi habang masama pa rin ang tingin sa akin.
"Wala po." Umiling ako saka tumayo na at humarap sa kaniya na ngayon ay nakataas na ang isang kilay sa akin.
"Let's go." Umirap siya bago naglakad na palabas.
"Ok." Hindi na ako muling umimik saka sinundan na siya palabas.
Hindi na ako magbibihis. Maayos pa naman ang suot ko eh. At least hindi mukhang pinabayaan na tao diba?
Tahimik lang kaming bumyahe hanggang sa makarating kami sa mall.
"Anong gagawin natin sa mall?" Hindi ko na napigilan na magtanong.
Naglalakad na kami ngayon sa kung saan man. Basta sinusundan ko lang si miss.
"I need to meet someone."
"Bakit kasama pa ako?" Takang tanong ko at napalingon sa kaniya saglit saka binalik ulit ang tingin sa daan.
"I don't want to be alone." Kibit balikat niyang sabi.
Luh. May paganon?
"I never thought you like someone accompanying you even tho you will meet someone." Natatawa kong sabi pero inirapan niya lang ako.
"Just shut up." Inis niyang sabi saka hinampas pa ako kaya naman natawa ako sa reaction niya.
Maya-maya naman ay tumigil siya kaya napatigil din ako kase nasa likod niya ako. Sumilip naman ako sa unahan at doon ko na nasa tapat pala kami ng isang lalaki
"Hi, Sophi! How are you?" Nakangiting sabi nung lalaki saka yumapos pa kay Miss.
Kailangan yumakap kapag babati?
YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: