CHAPTER 29

2K 49 2
                                        

A/N

Pov muna ni Cehir dito para naman maiba and para mabigyan din natin ng scene yung isa nating ship HAHAHAHAHA Pero sa mga next chapter, babalik ulit kay Leigh yung POV. So yeah! Sana magustuhan niyo!

-------

Cehir's POV

Haayy nako... Kahit kailan talaga ayaw magkwento sa akin ni Leigh. Nag-aalala na talaga ako ng sobra sa kaniya. Nung isa nakita ko siyang madaming pasa pero nung tinanong ko, ang sabi niya lang nahulugan daw siya ng gamit.

Tainang gamit naman yan. Paano baga nahulog yung gamit na yun at sa iba't ibang parte ng katawan may pasa yung isa.

Haayysss...

Lumingon na lang ulit ako sa harap pagkatapos ko sundan ng tingin si Leigh na pumasok dun sa bookstore. Sakto naman na lumingon sa akin sina Miss at nakakunot ang noo kaya natawa ako. Magpinsan vibes HAHAHAHAHAHA

"Where's Leigh?" Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Miss Del Rosario kaya naman napalunok ako. Taina magpinsan talaga eh, parehas nakakatakot itong dalawa huhuhu

"Ahhh... May pinuntahan lang po." Pagsisinungaling ko kase sabi ng ni Leigh, kailangan niya ng time sa sarili niya kaya hindi ko sasabihin kung nasaan siya.

"Where?" Ulit niyang tanong pero nagkibit balikat kang ako bilang tugon.

"Hindi ko po alam."

"Really?" Irita na niyang sabi kaya napatango na lang ako.

"Y-Yes po. Nasa tabi-tabi lang naman po yun." Bumuntong hininga na lang siya kaya napahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang talaga hindi masyadong mapilit si Miss.

"Okay. I think I'll get going, I just need to do something." Napailing na lang ako ng naglakad na siya ng walang paalam. Hindi pa sinabi yung pupuntahan eh, halata naman kung ano gagawin niya. Nako. Nako.

Maglalakad na rin sana ako paalis ng bigla akong tawagin ni taray kaya napatigil ako pero hindi ko pa rin siya nililingon.

"Where do you think you're going?" Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakataas na rin ang isang kilay nito.

"Aalis?" Patanong kong sabi saka nagkibit balikat.

"I didn't even tell you that you can go."

"Hindi ko naman kailangan pa ng permission mo kung aalis na ba ako o hindi." Medyo irita kong sabi saka nilingon siya.

"You're irritating me." Inis niyang pero tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.

Taina. So, ako na naman may gawa?

"Wala akong pake." Hindi ko na siya inintay pang magsalita at naglakad na paalis.

Bahala siya diyan. Ang dami na namang niyang sinasabi. Lagi na lang galit sa akin. Nakakasawa na ugali niya.

Naglalakad na lang ako sa loob para pakalmahin yung sarili ko. Ayoko talaga na mawawala ako sa mood, gusto ko laging masaya lang, para maganda rin buong araw mo. Panget naman kapag buong araw inis ka, diba?

Napatigil ako sa paglalakad dahil may nakita ko yung babaeng hindi ko inaasahan na makikita ko pa. Nagkatinginan naman kami at napangisi naman siya kaya hindi ko mapigilan na mag-init ulit sa galit.

Tangina niya.

"Cehir." Ngisi niyang sabi ng makalapit sa akin.

Please bigyan niyo ako ng gabay na hindi makapanakit ngayon.

Because Of YouWhere stories live. Discover now