Bakit kase kailangan ko pa mangsuyo?
Kanina pa ako nagmamaktol dito sa labas ng office ni Miss. Actually pinagtitinginan na din ako ng mga nadaan kase kanina pa talaga ako dito.
Eh bat kase hindi na lang ako kumatok diba? Bat ba ako kinakabahan?
Huminga na lang ako ng malalim saka kumatok. Walang sumagot.
Wala kaya dito si Miss?
Nakailang katok ako pero wala pa rin kaya naisipan kong pihitin yung doorknob nagbabakasakali na bukas.
Yun bukas!
Sumilip ako sa loob at napansin kong nakatutok lang siya sa laptop niya. Busy? Pumasok na lang ako ng tahimik at umupo sa sofa saka pinaglaruan ang kamay ko.
"Uhmm, Miss?" Tawag ko sa kaniya kase hindi pa rin niya ako pinapansin kanina pa.
"Ma'am?"
"Miss Del Rosario?"
"Sophia?"
"Anastasha?"
Wala pa ring effect, hindi pa rin niya ako nililingon. Edi huwag. Ano siya, gold?
Maya-maya naman ay may lumapit sa aking aso saka umupo sa lap ko kaya hindi ko na kinaya at hinaplos ito. YAAHHH! CUUTEEE!
"Hi, love!" Nakita ko naman na nag-wag yung tail niya kaya naman napangiti ako ng malaki.
"Yah! Calm down!" Natawa naman ako dahil ang kulit niya tapos dinilaan pa niya mukha ko. Akala mo naman hindi nagkita ng matagal ehh HAHAHAHA
"Tsk." Napalingon naman ako kay Miss Del Rosario dahil dun. Nakatingin na din siya sa akin at ang sama ng tingin kaya napalunok ako.
"What are you doing here? I didn't give you permission to come in." Walang emosyon niyang sabi habang nakatitig sa akin.
"U-Uhmmm, gusto ko lang pong tumambay?" Patanong kong sagot saka iniwas ang tingin at nakipaglaro na lang sa aso.
"Then you should have gone somewhere with that secretary of yours." Irap niyang sabi saka nagpakabusy ulit sa laptop.
"H-Hindi naman po k-kami c-close."
"So if you guys are close, you will go somewhere with her?" Medyo irita niyang sabi pero ngumuso na lang ako.
"Still no..." Tinitigan ko lang ulit siya. Why does she look so hot right now even though she's mad?
"I hate you."
"Why? I didn't even do anything." Takang tanong ko sa kaniya saka binaba yung aso para makapunta ako sa tapat niya.
"Cause..." Tumigil naman siya sa pagsasalita saka tiningnan ako.
"Cause what?" Kunot noong tanong ko saka nakipagtitigan sa kaniya.
"Cause you're a flirt." Pabulong na yung last part kaya hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya.
"I'm what?"
"You're ugly." Irap niyang sabi saka umiwas ng tingin at binalik ang atensyon sa laptop.
Panget ako? Grabe naman yun. Hate niya ako dahil ang panget ko. Alam ko namang panget ako, hindi naman niya need ipamukha sa akin huhuhu
"You hate me because I'm ugly?" Medyo natawa naman ako dahil dun.
"Yes." Napanguso na lang ako.
"Ganyan ka na miss. Nakakaturn off ka na po aa. You're not giving me compliments." Pagmamaktol ko but she just looked at me in disbelief.
YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: