It's been weeks since pumunta kami sa Paris. And all that time, lagi na akong ginugulo ng ama ng daddy ko. Sa bawat pagkakataon na makuha niya ay hindi niya palalagpasin na hindi ako mabugbog. Hanggang ngayon sa akin pa rin niya sinisisi yung pagkamatay ng parents ko.
Eh tangina! Ni hindi ko nga malaman kung ano ba talaga yung nangyari!
Pagkauwi rin namin ay may klase na ulit. Lagi ko na ring nakikita si Sophi na kasama yung lalaking attorney na professor din namin dito sa university.
I know na wala pa akong karapatan na magselos kase wala namang kami. Pero may part talaga sa akin na masaktan ako everytime na nakikita ko silang masayang nag-uusap.
Ganon-ganon na lang ba yun? Ni hindi na nga niya ako nakakausap ng matagal dahil dun sa professor na yun. Kapag magkasama kami, maya-maya tatawag yung lalaki, tapos bigla na lang siyang magpapaalam pagkatapos nila mag-usap.
Ano ba talagang meron sa kanila?
Kapag naman tinatanong ko siya, sasabihin niya sa akon ay friends lang sila at may inaasikaso silang importante. Tangina! Importante pero laging nagtatawanan.
Wala pang kami pero grabe na ako mag-overthink...
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Cehir at tumango naman ako ng bahagya.
"Oo. Huwag mo na ako alalahanin."
"Sure ka?" Tumango na lang akong muli saka ngumiti ng maliit.
"Una na ako."
"Hatid na kita." Agad naman akong napailing saka pinaupo siyang muli.
"Huwag na."
"Sige. Ingat ka ha. Chat mo ako kapag nakauwi ka na." Pinat niya yung ulo ko kaya napangiti na naman ako.
She really cares for me...
"Bye." Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad na parang walang pakialam sa paligid ko.
Hindi na nga rin ako magugulat kapag bigla na lang may humila sa akin tapos bugbugin ako. Ano pa bang bago?
Pero bago pa ako mabugbog talaga ay laging may nalapit sa akin na isang tao. Hindi ko maaninag yung mukha niya... Everytime na mabubugbog ako, nandyan siya. Dapat hinayaan niya na lang ako mamatay.
Natawa na lang ako ng mapait dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon. Gusto ko lang naman mamuhay ng mapayapa. Gusto ko lang makatanggap ng pagmamahal kaso yung taong mahal ko hindi man lang ako mabigyan ng pansin.
Hindi ko na alam gagawin ko. Pagod na pagod na akong umintindi. Iintindihin ko yung mga taong nasa paligid ko pero ako hindi man lang nila iintindihin.
Huminga na lang ako ng malalim at napailing habang patuloy pa rin sa paglalakad. Hindi ko dala yung motor ko ngayon kaya naglalakad ako. Yung kotse naman na binili sakin ni Sophi hindi ko pa rin ginagamit.
Hindi pa ako nakakarating sa apartment ko ay agad na may humila sa akin sa madilim na parte.
Hindi na ako nagulat...
"Oh... Lucky!" Bulong niya at bigla akong tinulak ng malakas, buti na lang ay nakapagbalanse pa akockaya hindi ako natumba.
"What do you want again?" Walang ganang tanong ko sa taong nakatayo na sa harap ko pero hindi ko makita yung mukha dahil taklob na taklob siya.
"You... To die."
"I love the idea-" Bigla niya akong sinuntok ng malakas sa tiyan kaya agad akong napaluhod. "Fuck."

YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: