Sobrang busy ko ngayong araw kase malapit na talaga yung test. Hindi ko na nga masyadong nakakausap si Cehir eh. Kamusta na kaya yung baklang yun.
"YOW WASSUP MY BESTFRIEND!" Napalingon naman ako sa sumigaw at tiningnan siya ng masama.
Speaking of the devil.
"Wow buhay ka pa pala. Akala ko kase magkakainom na ako ng libreng kape." Inakbayan lang ako nito saka kinuha yung pagkain ko.
"Aba hindi pwede yun, kapag namatay ako, dapat ikaw din. Friendship goals tayo dito."
"Kapal naman ng mukha mo na kumuha ng pagkain ko. Chicks ka ba ha?" Ngumiti naman siya ng malawak saka nagpose pa.
"Aba syempre ako pa! Daming nagkakagusto sakin. Ako lang ito."
"Mas maganda pang tumahimik ka lang kesa ako magpapatahimik sayo habang buhay." Sinamaan ko sita ng tingin pero tinawanan niya lang ako.
Tsk. Tamong busy ako ngayon eh tapos ang kulit niya.
"Ito naman hindi mabiro. Oh ito kape, libre ko na nakakahiya naman eh." Nagningning naman yung mata ko dahil sa binigay niya sa akin.
"Kaya mahal na mahal kita eh. What if tayo na lang?" Yayakapin ko na sana siya pero lumayo lang siya.
"YUCK! What if suntukin kita?" Tinawanan ko na lang siya saka ininom yung kape.
"Thank youu~ Dabest ka talaga."
"Welcome as always." May pagkairita pa sa boses niya kaya tinawanan ko na lang siya.
Nandito kami sa isang café na nakita ko sa tabi-tabi. Bahong bukas ito kaya naisipan kong i-try and buti na lang binilhan na ako ni Cehir ng kape bago ako nakaorder. Nakatipid din ako sa wakas hehe.
Nagreview na lang ulit ako dahil last na subject na naman itong kailangan kong pag-aralan. Actually tapos na naman ako magreview kahapon, binabasa ko lang ulit notes ko ngayon. Ito namang isa ay busy sa paggamit ng cellphone.
"Naol hindi na need magreview." Nginisian lang ako ni Cehir saka dumila.
"Ganon kase talaga kapag maganda tapos matalino pa." Nagpacute naman siya kaya tiningnan ko siya ng may pandidiri.
"YUCK! Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Nakakakilabot eugh." Umirap naman siya sakin at hindi na umimik.
"Alam mo, sarap mo ding sampalin min-" Naputol naman yung sasabihin niya ng biglang may tumawag sa kaniya.
"Sagutin ko lang ha." Tumango ako sa kaniya kaya lumabas na muna siya.
Ano kaya pwedeng gawin ngayon? Nakakatamad na magreview eh, gets ko na naman lahat huhuhu Makapunta na nga lang sa mall para naman mawala sakit ng ulo ko kakareview.
"Beh! Next time na lang ulit ha. Need na naman daw ako sa bahay. Bawi ako. Babye" Nginitian ko naman siya saka niyakap.
"Thank you for today. Ingat babush." Kinawayan na lang niya ako habang palabas siya.
Umupo naman ulit ako para magpahinga muna bago pumuntang mall. Sumandal ako sa upuan saka pinikit ang mata ko.
Hayss... Nakakapagod ngayon. Masyadong madaming shits ang nagaganap sa buhay ko. Sumunod na lang kaya ako sa parents ko sa langit.
I badly want to cry right now but I don't want to breakdown in public. I don't want people to see me weak.
After Ng ilang minuto at tunayo na Ako saka pumunta ng mall. Maglalakad na lang ako since malapit-lapit naman yun dito.
YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: