Minulat ko yung mata ko ng maramdaman ko yung sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tiningnan ko naman yung kwarto ko at wala akong nakitang tao.
Nakauwi na ata si Miss.
Pinakiramdaman ko naman yung sarili ko kung may masakit pa ba. Buti naman mas gumaan yung pakiramdaman ko pero masakit pa rin yung katawan ko dahil sa bugbog.
Hays how weak...
Umupo ako sa kama ko para tingnan yung pera ko. I badly need to budget my money. May pinag-iipunan din kase ako, which is makabili ng piano kase ang tagal ko ng gustong makahanap nun.
Kinuha ko naman yung box sa ilalim ng higaan ko, doon nakalagay yung naiipon ko. Napasimangot naman ako dahil ang unti na ng pera na nandun.
Tangina... Napakadami naman kaseng binabayaran sa school! Parang lahat na lang ginagawa naming activities may bayad.
"YAH! I BADLY WANT A PIANO HUHUHU. Magtatrabaho na lang siguro ako..." Pagmamaktol ko habang binibilang yung pera sabox.
"What are you doing?" Nagitla naman ako ng biglang may nagsalita.
Si Miss Del Rosario na kakalabas lang galing cr at halatang bagong ligo. Gosh! Akala ko nakauwi na siya.
"W-wala p-po hehe." Binalik ko naman yung box sa ilalim ng kama ko habang nakatingin lang siya sa akin ng deretso.
Napatingin naman ako sa kaniya-
GAGO DAMIT KO YUN AH!
"Oh yeah... I borrowed some of your clothes if you don't mind." Sabi niya ng mapansin niya ata na nakatingin ako sa suot niya.
"It's f-fine miss." Umiwas naman ako ng tingin dahil ang cute niya dun. Ang laki sa kaniya nung damit ko, pero bakit ang ganda pa rin niya.
"Are you better now?" Tanong niya sa akin at hinawakan ako sa noo.
"O-opo."
"How's your bruises?" She gently touched the bruises in my arms.
"Masakit pa po, and parang ang bigat pa rin po ng katawan ko dahil dun." Tiningnan ko lang yung mga pasa na natamo ko saka tumingin sa kaniya.
" What happened to you?" Kunot noo niyang sabi kaya naman napaiwas na lang ako ng tingin.
"W-wala lang p-po ito. Nadulas lang ako hehe." Napakamot na lang ako sa batok ko dahil hindi rin ako sanay na nagsisinungaling.
"You slipped and you got that many buises?" Hindi makapaniwala niya akong tiningnan kaya naman natahimik na lang ako. How can I explain this to her...
"Okay if you don't want to talk about it, I'll avoid this topic." Napahinga na lang ako ng maluwag dahil dun. Buti na lang hindi na siya namilit.
Napansin ko naman na uupo ata siya sa kama ko kaya umipod ako ng kaunti para may space siya.
"Umuwi po ba kayo kagabi sa condo niyo para po dun matulog?" Gusto ko lang malaman kung saan siya natulog kagabi.
"No. I slept here last night." Sabi niya habang hindi ako nililingon dahil nakafocus siya sa ginagawa niya sa cellphone.
"Saan naman po kayo natulog?"
"Sofa." Maiksi niyang sabi saka binaba na ang cellphone at tumingin sa akin. Nanlaki naman ang mata ko dahil dun.
NO WAY! HOW CAN A BEAUTIFUL GIRL JUST SLEEP IN THE SOFA. HOW DARE ME TO LET THAT HAPPEN!

YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: