"Hmmm..." Tanging lumabas sa bibig ko ng maramdaman ko na may natapik tapik sa likod ko.
"Wake up."
"Sleepy..." Mas siniksik ko naman ang ulo ko sa leeg niya .
"Come on, stand up na. You're getting heavy." Natatawa niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko.
Hindi na ako nagsalita at saka tinatamad na umalis sa taas niya at humiga sa tabi niya at pumikit ulit.
Inaantok pa ako...
"Still sleepy?"
"Mhmmm..."
"Cehir asked me if you want to go out with her later." Tapik niya sa braso ko pero umiling lang ako.
"Tinatamad ako." Nagtalukbong naman ako ng kumot. Pipikit na sana ako pero hinigit niya yung kumot kaya napasimangot ako.
"Stand up. Enjoy your vacation." Aangal na sana ako pero bigla niya akong hinigit patayo kaya wala na akong nagawa.
Nakabusangot naman akong tumingin sa kaniya habang nagpapapadyak.
Ehhh tinatamad ako!!!
"Stop being childish." Pailing-iling niyang sabi habang natawa.
"Eh kase naman..."
"Take a bath. You can choose some clothes in my closet." Tinuro naman niya yung walk in closet niya kaya napabuntong hininga na lang ako.
"Okay..." Tumayo na ako saka kumuha na ng damit at pumunta na sa cr.
"Go down after, I already ordered us breakfast." Pahabol niya bago lumabas ng kwarto.
"Yeah~"
Hayy nakooo... Masasapok ko talaga si Cehir mamaya. Ganda na ng tulog ko eh! May pagka-epal din talaga siya eh, 'no?
Wala na akong nagawa kung hindi maligo na lang saka magbihis. Ginawa kong croptop yung tshirt na panloob ko kase medyo malaki sa akin. Pinatungan ko naman yun ng jeans na jacket, tapos pantalon at white shoes.
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at napangiti naman ako. Buti na lang talaga kahit hindi ako nakakakain ng maayos lagi, naalalagaan ko pa rin yung shape ng body ko. Pero why naman para daw akong stick? Ganda ganda ng katawan ko huhuhuhu
Umiling-iling na lang ako saka naisipan ng bumaba. Nakita ko naman siyang tahimik na nakaupo at nakatingin lang sa pagkain.
"Bakit hindi ka pa kumain?" Bungad ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin pati sa suot ko. Natigil naman ang tingin niya sa tiyan ko at napansin ko rin yung paglunok niya.
"W-What?!" Kaba kong sabi saka hinarang yung jacket sa tiyan ko.
"N-Nothing... Your clothes are too revealing." Irap niyang sabi kaya naman tiningnan ko yung suot ko.
Croptop lang naman ito ah!
"Hindi naman ah." Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo pero irap lang ang natanggap ko.
"It is." Inis niyang sabi pero umiling lang ako.
Astetik ako today.
"Hayaan mo na. Aesthetic ako eh."
"Tsk."
" So tell me... Bat hindi ka pa naunang kumain? " Tanong ko sa kaniya pagkaupo ko sa tapat niya.
"I'm waiting for you." Kibit balikat niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Luh! Baka mamaya nagugutom na pala siya. Eh kanina pa ata siyang gising eh.

YOU ARE READING
Because Of You
Random"She's one of my weaknesses but she's also the one that hurts me the most." "I lived because of her..." DATE STARTED: December 21, 2022 DATE FINISHED: