CHAPTER 6

317 25 1
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●

CHAPTER 6

"Rema, don't worry aalis ako rito kung yun ang gusto mo. Pero pwede bang wag muna ngayon, ayoko kasi matulog sa kalye or kung saan na ilalim ng tulay. Baka hindi na ako magising kinabukasan, kasi napagtripan na pala ako ng mga goons."-rinig kong saad ni Daryll mula sa labas ng pinto ng kwarto.

Kinokonsensiya niya ba ako?

"Wala akong pakialam! Umuwi kana sa bahay niyo, ang laki laki ng bahay niyo diba?"-i said at napairap na lang. Napaupo ako sa sahig at sumandal sa pinto.

"Mataas pride ko Rema, gaya mo."-rinig ko pang saad niya. "Nag iisang anak lang ako ng parents ko, pero wala sakin ang atensiyon nila kundi puro pagpapayaman lang. Pero ikaw, dalawa kayong magkapatid at parehong mahal nina tita at tito. Samantalang ako, laki sa lolo at lola. Tapos kunting mali ko lang kina mommy, parusa agad.

Wala silang tiwala sakin from the start. Pero sayo, may tiwala sayo ang parents mo."-Said Daryll, bakas sa boses niya ang malungkot na boses.

Kung tutuusin, nakakaawa talaga siya. Kaya siguro siya nagrerebelde ng ganito.

Samantalang ako, binibigay naman ang gusto ko ng parents ko. Pero para sakin kulang pa rin yun, si Daryll atensiyon ang hinahanap niya sa parents niya. 

Samantalang ako, gusto ko lang naman maging malaya at masunod nila ang mga gusto ko talagang mangyari sa buhay ko.

Nagsimula akong magtampo sa kanila nung gusto kong mag aral rin sa New york, kasama si kuya. Pero tumutol agad si mommy, kasi babae daw ako.

Wala siyang tiwala sa pagiging babae ko.

"Wag ka mag alala, aalis na ako dito."-rinig ko pang saad ni Daryll. Maya maya pa, wala na akong narinig pa na ingay. Umalis na siguro siya?

Buti naman, umalis na siya.

Kinabukasan.

Nagising ako na may naamoy na mabango na  parang nagluluto.

Andito pa rin ba si Daryll? Bumangon naman ako at agad na kumabas ng kwarto.

Kaagad akong nagtungo sa kitchen ng unit, pero hindi si Daryll ang naabutan ko, kundi si mommy.
Ngumiti ito ng mapansin niya ako na pumasok.

"Gising kana pala anak, nagluto ako ng breakfast mo"-nakangiting saad ni mom. Kaya naupo naman ako habang may nakahaen na pagkaen, pero bakit nagluluto pa rin siya.

"Ma, kaya ko na po ang sarili ko dito."-i said at nagsimulang kumain nitong korean susi food.

"Tss. Talaga kaya mo?. Maghugas nga ng pinggan hindi mo kaya humawak."-saad ni Mom at nakatalikod ito sakin habang nagluluto. Napairap naman ako.

"Oo na, ako na hindi marunong."-i said habang nginunguya itong susi food.

"Mabait naman ang kuya Daryll mo ah. Tiyaka, kawawa naman siya. Tinakwil na nga siya ng parents niya tapos gusto mo paalisin pa siya dito."-said mom at tapos na ito sa pagluluto. "Gusto mo, dito ka tapos siya don na sa bahay?"-mom at parang ngumisi pa ito.

"Mom! No way! Mas lalong hindi siya pwede sa bahay."-agad na pagtùtol ko. Mom just chuckled.

"Kung ganun, hayaan mo muna siya dito. Hahanapan ko siya ng malilipatan, kung ayaw mong umalis dito"-said mom habang linalagay niya sa tupper ware yung linuto niyang ulam. "Iinit mo na lang ito pag gusto mo kumain, nag stock na ako ng mga uulamin mo. Para sure na hindi ka magutom"-sabi ni Mom habang liniligpit ang mga ginamit niya sa pagluluto.

Ang bait talaga ng mommy ko, pero istrikta talaga yan. Lalo na sa mga susuotin ko.

"Pero ma, bakit po ayaw niyo na mag aral ako sa New york? May bahay tayo doon, malapit sa school?"-i ask seriuosly. Natigil naman siya sa ginagawa niya at naupo sa may tabi ko.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now