● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 12
Minumulto na agad ako ni Daryll. Mahahabang hakbang ang ginawa ko. Habang kinakabahan, medyo malayo pa ako sa bahay nina Lolo. Kaya kapit lang Jeremaeh.
"Hoy! JEREMAEH!"
Napahinto ako sa paglalakad, na halo halong kaba ang naramdaman. Baka hihingi siya ng hustisiya sa pagkamatày niya kaya nagpapakita siya sakin at tinatawag niya ako.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at pilit na ngimiti. Si Daryll nga, nakangisi siya habang naglalakad papalapit sakin.
"Teka! Wag kang lalapit!"-pagpipigil ko rito. "Wag kang mag alala, ipapahanap ko ang bangkay mo."-i said. Napahawak pa ako sa dibdìb ko dahil sa halong halong kaba na nadarama.
"Isasama kita sa kamàtayàn ko! Bwahahahha"-sabi niya at humalakhak na parang witch.
"No!" Akmang tatakbo ako ng matalisod ako at nadapa sa baybayin. At napasigaw ng makalapit na sakin ang multo ni Daryll.
"AHHHHH! HELP!"
"Hindi ka makakawala ngayon."-sabi niya at binuhat ako na parang sako na linagay sa balikat niya. Nakakabuhat pala ang multo.
"Put me down. Ahhh. Mommy! Daddy!"-sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakabuhat sakin ni Daryll.
"Isasama kita sa impìyerno, kaya wag kang maingay jan."-he said pauwi kami sa bahay ni Lolo.
"Ibaba mo na ako! Ayoko sayo! Ghost! Mommy!"-sigaw ko habang sinusuntòk sùntok ko pa ang likod niya. Pero sobrang hina lang dahil na rin siguro sa sobrang kinakabahan ako.
"Daryll, Rema nandito lang pala kayo"-si tito Jacob. Nakikita niya rin si Daryll? Binaba naman ako ni Daryll.
"Pasensiya na po tito, hindi ko kasi alam kung saan nagpunta itong si Rema kaya natagalan ako sa paghahanap"-Daryll Explained. Weh! Pati si tito nakakakita ng multo?
"Tito, nakakakita ka rin ba ng multo?"-tanong ko kay Tito na sobrang nagtataka at pinakatitigan si Daryll.
"Ano bang sinasabi mo jan. Sumunod na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Lolo dahil ayaw niya magsimula ang party niya na wala ka"-tito Jacob at umalis na ito. Akmang susunod ako kay tito ng hawakan ni Daryll ang wrist ko.
"Saan ka pupunta? Akala mo patày na ako noh?"-he said at ngumisi na parang witch. Ibig sabihin hindi siya nalunod? Hindi siya namatay? "Anong akala mo sakin hindi marunong lumangoy! Ha!"-sabi niya at binulyawan ako kaya napaatras pa ako sa kinatatayuan ko.
"Tenetesting lang naman kita"-sabi ko at napayuko pa.
"Tsk! Sasabihin ko kina tito at tita ang lahat na ginawa mo sakin. Tulad nang ginawa mo sakin noon."-sabi niya at naglakad na ito.
Oh no! Hindi pwede! Hinabol ko naman siya at sumakay sa likod niya at sinabunutan.
"Teka! Ano ba!"-reklamo niya at dumadaing pa ito sa sakit ng pagkakasabunót ko sa buhok niya.
"Wag mong sasabihin kina daddy, kundi tùtuluyan na kita!"-pananakot ko pa rito. Nahawakan niya ang dalawang kamay ko at naialis sa likod niya.
"Sige, hindi ko sasabihin. Pero sa isang kondisiyon!"-sabi niya while smirking.
"Sige kahit ano? Gagawin ko, basta wag kang magsusumbong kina dad."-pakiusap ko rito. Alam ko kasi na magagalit sila sakin tulad ng nangyari noon ng mga bata kami ng tinulak ko siya sa pool na muntik niya ng ikamatay.
Lumapit naman siya sakin at may binulong sa may tenga ko, na nagpatindig ng mga balahibo ko sa buong katawan. After niya ko bulungan naglakad na siya paalis.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
RomanceJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...