CHAPTER 23

256 22 1
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●

CHAPTER 23

Medyo nababasa ako ng ulan ng makarating kami sa bus stop. Nakisilong muna kami sa waiting shed na may mga estudiyante din para mag intay ng bus.

"Bakit ba kasi hindi mo ginamit yung kotse mo, ayan tuloy medyo nabasa ako"-reklamo ko kay Daryll. Buti na lang at water proof ang bag ko.

"Oo na, kasalanan ko na."-sabi nito at parang naiirita pa.

"First time ko mabasa ng ulan, pag ako nagkasipon at nagkasakit kasalanan mo"-turan ko rito.

Nang may humintong bus, agad kaming sumakay rito. Magkatabi pa kami ni Daryll sa upuan.

"Aalagaan naman kita pag nagkasakit ka."-he said and serious tone na kinalingon ko sa kaniya.

"Hindi ako magkakasakit noh! Never ako naging sakitin since pinanganak ako. Kaya don't worry about me."-i said.

"Hindi ako nag aalala sayo noh. Nag aalala ako na mapagalitan ako ni tito kasi nagkasakit ka dahil sakin"-he said na kinairap ko ng husto.

Ng makauwi na kami ng Condo, kaniya kaniya na kaming tungo sa mga kwarto namin.

Nagmadali ako sa pagbihis kasi sobrang linalamig ako. After ko makapagbihis, sumalampak ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Grabe, sobrang lamig. Malamig talaga kasi Febraury na.

"Rema, pwede ba akong pumasok?"-rinig kong boses ni Daryll mula sa labas ng kwarto ko at kumatok pa ito sa pinto.

Hindi ako umiimik, dahil nga sa sobrang lamig hindi ko na magawang makapgsalita pa.

Bumukas naman ang pinto at pumasok mula rito si Daryll. At may dala itong tray na may pagkain.

Nagmadali pa siyang lumapit sakin at linapag sa side desk ang dala nito.

"Mukhang may sakit kana."-saad niya at naupo ito sa may gilid ko. "Nagluto ako ng mainit na ramen at mainit pa ang sabaw kaya bumangon kana jan."-sabi nito.

"Hindi ko kaya."-i said habang yakap yakap ang unan at sobrang linalamig.

"Pano ka, hindi lalamigin. Sobrang lamig ng aircon mo dito."-sabi nito.

Maya maya, nabawasan yung lamig na nararamdaman ko. Tinulungan niya naman ako na bumangon mula sa pagkakahiga.

At sinubuan ng mainit na sabaw kaya medyo naging maligamgam ang pakiramdam ko.

"Mabilis ka pala magkasakit pag nauulanan."-sabi nito at hinipo ang noo ko. "Sobrang init mo, kaya dapat ubisin mo ito."-saad niya at akmang susubuan ako umiwas ako.

"Hindi masarap ang pagkakaluto mo. Kaya ayoko na niyan."-reklamo ko. Ramen na lang hindi pa marunong magluto. Napairap naman ako ng husto.

"Ah ganun ba, gusto mo palitan mo na lang."-he said.

"Wag na, kaya lang naman inaalagaan mo ko dahil kay daddy eh."-parang nagtatampo ko pang saad.

"Hindi naman ganun yun, inaalagaan kita kasi..."

Yinakap ko naman siya.

"Pwede bang samahan mo ako Da. Gusto ko may kasama ako ngayong gabi dito."-i said at medyo malambing ang boses. Simulan na ang paglalandi, dapat mahulog sa patibong ko si Daryll.

"Okay. Okay. Pero baka naman inuuto mo ko ng ganiyan dahil may Cctv rito at gusto mo nanaman magka collection ng evidence."-saad nito at linilibot pa ang paningin sa buong kwarto ko.

"Walang Cctv rito, baliw ba ako para palagyan ng cctv ang sariling kwarto ko."-i said at ngumiti pa ng todo kay Daryll.

"Are you sure?"-tanong nito na parang hindi pa rin naniniwala.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now