● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 16
Sa kalagitnaan ng lecture ni dad, parang humihilab ang tiyan ko. Hindi nga pala ako naka pagbreakfast man lang kanina bago kami umalis.
"May pagkain ka ba diyan?"-tanong ko kay Daryll na busy ito makinig sa sinasabi ni dad.
"Wala. Tiisin mo yan."-he said. Hayss. Napaka selfish talaga ng lalaking ito.
Pano ba ako magkakapera ulit?
Ang hirap naman, hindi pa naman ako sanay sa mga part time , part time job na yan.
Ayoko ng ganun, hayss. Kailangan ko pa mag isip ng paraan.
Pero parang alam ko na kung saan ako lalapit.
After ng lecture ni dad, siyempre uwian na. 2 hours lang naman ang class namin sa kaniya.
Kausap niya ang mga trainees niya pati si Daryll, kaya lumabas na alang ako ng studio.
Pupuntahan ko ang pinsan kong si ate Cydrey. Doon muna ako makikitambay at makikikain.
Sure na ba ako? Sasakay ako ng jeep, para makatipid? Duh! Mabaho kaya sa jeep.
Hayss. May humintong jeep sa harap ko. Kaya napilitan na lang ako na sumakay. Makakatipid kasi ako pag sa jeep. Medyo siksikan pa. Umandar na ito paalis, pwede pa bang bumaba?
Hindi ko kasi gusto ang amoy. Nagtakip na lang ako ng ilong, medyo parang naiinis pa nga si ate nanakatingin sakin nankatabi ko. Or baka naiinggit siya sa outfit ko.
Nag abot ako ng bayad, sana pala nag bus na lang ako. Baka nakalibre pa ako, kasi lolo ko naman ang owner ng isa mga bus transport.
***
"Hi Hazel, nandito ba si Ate?"-tanong ko sa sister in-law ng cousin ko.
Pumunta lang naman ako sa bahay ng pinsan kong mayaman.
"Wala siya eh, nasa business trip siya. Bakit?"-tanong ni Hazel. Siya kasi ang madalas kasama ni ate Cydrey dito. Minsan rin nandito rin ako.
"Kailan ba siya uuwi?"-i ask. Nahihiya naman akong tawagan siya tapos hihingi lang ng pera.
"Mga 1 week siya sa Bora. Teka, nag lunch kana ba? Samahan mo na ako."-pag aya niya pa. Naku naman salamat at inaya niya rin ako kumain. Kanina pa talaga ako gutom.
Pumunta kami ng dine-in area, hinain niya na yung dishes na siya ang nagluto.
"Buti, pumunta ka rema, namiss na kasi kita eh."-Hazel.
"Ako rin, kaya nga pumunta ako dito eh."
Jusko! Makikikain ka lang eh. Ginigipit ako ng parents ko ngayon, alam na alam ko na yun. Kasi kung hindi sila pa mismo magbibigay sakin ng allowance ko,
Nang maihain na ni Hazel ang mga pagkain, nagsimula na akong kumain, kasi gutom na gutom na talaga ako eh.
Parang nabigla pa si Hazel nung sunod sunod akong sumubo ng pagkain.
"Hindinka halatang gutom noh"-Hazel said at bahagya pa itong natawa. Inabutan niya pa ako ng tubig na kaagad akong ininom.
Halos maubos ko ang mga linuto ni Hazel, pati ang ginawa niyang dessert na naka stock sa ref. Kinain ko na rin, good for 2 days na ang kain ko.
After naming kumain, tumambay mùna ako ng konti.
"May stock pa ba kayong dessert Hazel?"-i ask. Nandito na kami sa living room at nanonood ng Drama.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
RomanceJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...