CHAPTER 32

231 23 0
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 32

Few days ago

"Sigurado ka ba na hindi galit ang daddy ko?"-tanong ko kay Daryll na ngayon ay pagkababa namin ng kotse niya. At andito kami sa tapat ng bahay namin.

Sumama ako paluwas ng maynila, dahil gusto ko na rin makipag ayos sa parents ko.

Ilang araw na si Daryll ang nag alaga at nag asikaso sakin habang nasa bicol kami.

"Don't worry, nandito lang ako sa likod mo lagi."-he said para palakasin ang loob ko. Huminga muna ako ng malalim bago kami naglakad papasok sa loob.

Pagpasok namin sa loob, walang tao sa loob. Nagpunta pa kami ng kitchen pero wala din.

Kaya inawagan ni Daryll si Dad kung nasaan ito.

"Nasa Hospital kami ng tita mo, bakit?"-rinig kong tanong ni Dad. Teka anong ginagawa nila sa hospital.?

"Ano pong nangyari?"-tanong ni Daryll rito.

"Dinùgo ang tita mo kaya dinala ko rito sa Hospital."-dad said. Oh my Gosh!

**HOSPITAL.

Naglalakad kami ni Daryll papunta sa kwarto kung saan naka admitt si Mommy. Pero napahinto kami ni Daryll ng makita ko si Lolo Michael at Dad na parang nagtatalo sa labas ng kwarto kung saan naroroon si mommy. Lolo Michael ay ama ni daddy.

"Kung hindi ka ba naman tangà! Eh di sana hindi yan nangyari sa asawa mo!"-galit na saad nito habang dinuro duro si dad.
"Pati apo ko nawawala dahil jan sa pagiging ma pride mo. Sarili mong anak hindi mo kayang hanapin! Anong klaseng ama ka!"-panenermon pa nito kay Dad.

"Oo na, kasalanan ko na ang lahat. Pero wag naman kayong umasta na parang naging perpekto kayong ama saming magkakapatid."-dad said at parang mas lalong umusok sa galit si Lolo dahil sa sinabi ni Dad.

Kaya tumakbo na ako para lapitan sila at akmang sasampalin ni Lolo si dad ng hawakan ko ang kamay nito.

Pareho pa silang nagulat ng makita ako.

"Lolo, tama na po. Tama na po please!"-pakiusap ko rito at yinakap si Lolo. "Wala pong kasalanan si Daddy kaya wag niyo na siyang awayin pa. Nandito na ako."-i said at hindi mapigilan ang maiyak sa bisig ni Lolo.

"Pasalamat ka Mark Sheon dumating ang apo ko, kung hindi baga nabàsag ko na yang mukhà mo."-saad pa nito habang hinahaplos haplos ni Lolo ang likod ng buhok ko.

*****

After ng eksena sa loob, pumasok ako sa loob kung nasaan si Mommy. Agad ko itong yinakap.

"Mommy, im sorry."-i said at kumalas ako mula rito. Nakangiti lang ito.

"It's okay. Normal lang ang bleeding sa buntis. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo, hindi naman ako na stress eh. Dahil alam ko na safe ka at inaalagaan ka ng kaibigan ko."-she said.

"Ibig sabihin, alam mo kung nasaan ang anak natin?"-tanong ni Dad na parang hindi ito makapaniwala.

"Oo, eh anong paki mo kung alam ko."-saaď ni mommy at inerapan nito si dad.

"My God Jeremiah! Pinahirapan mo pa kami ni Daryll kakahanap sa anak natin, tapos ikaw kunwari ka pa na hiwalaýan ako at kung anong anong kabaliwan ang ginawa ng may saltìk mong utak. Paranlang sisihin ako, tapos alam mo pala kung nasaan itong anak mo na nagmana lang naman sayo."-saad ni Dad na halatang sobrang naiinis ito. Mom just chuckled.

"Mabuti nang sakin magmana at hindi sayo. Tiyaka, mabuti sana kung nasapak ka ni Papa. Deserve mo naman yun."-saad ni mom kay dad na nakairap. Jusko naman, ito nanaman ang bangayan ng dalawang ito.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now