CHAPTER 39

244 22 1
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●

CHAPTER 39

JEREMAEH'S P.O.V

"Magkakilala na kami ni Daryll nung freshman college kami. Meron pa nga siyang kinababaliwan na babae noon eh. Anak siya ng Principal ng school. Ginawa niya ang lahat para sa girl, pero bigo pa rin siya. Kasi ang gusto ng girl yung first love ko na pinakamatalino sa school namin."-pagkukwento ni Aiza. Habang kumakain kami ng lunch.

Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya, si ate Cydrey at kuya David.

Hindi talaga mapaghihiwalay ang mga yun. Very geniun ang pag iibigan nila na kahit kamatayan hindi sila kayang paghiwalayin.

"Tapos kay Kuya Daryll ka naman nagkagusto. Parang kakaiba naman yun."-i said and smirk.

Grabe, yung asawa pa talaga ng pinsan ko ang kinabaliwan niya noon at ngayon si Daryll ko naman. 

Kung lasunìn ko kaya ang babaenģ to. Pero kawawa naman kung gagawin ko yun. Ayoko makulong noh.

Dahan dahan muna tayo.

Pero bakit hindi niya madiretso sakin kung ano ba talaga sila ni Daryll.? Siguro assuiming lang talaga siya na merong sila ni Daryll.

After naming mag lunch ni Aiza. Bumalik na kami sa building namin at kaniya kaniya ng nagtungo sa office.

Pagkaupo ko pa lang, lumapit agad sakin si Maru at makikimarites nanaman.

"Ano, may nakuha kang info kay Aiza?"-tanong ni Maru na halos pabulong pa ito. Umiling naman ako. At parang dismayado pa siya.
"Sayang naman, masekreto talaga ang dalawang yan."-saad ni Maru at napangiwi pa ito.

"Atty. Cha. May lakad tayo ngayon."-rinig kong saad ni Daryll na kinalingon rito ni Maru.

"Huh? Saan?"-Maru Ask.

"May puountahan tayo, yung biktima sa kaso na hawak ko ngayon."-saad pa ni Daryll at tumayo pa ito habang inaayos ang mesa niya.

"May lakad ako ngayon eh. Kasama ko si Prosecutor Sheon."-saad ni Maru at napakamot pa ito sa ulo.

"Eh sino pala ang kasama ko?"-tanong nito. Napalingon naman sakin si Maru. At tinaasan niya ako ng kilay. Tinuro ko pa ang sarili ko at tumango siya. Tsk.

"Ayoko."-pagtanggi ko. Pakipilit ako.

"Sige ako na lang mag isa."-saad ni Daryll. Kaya napatayo naman ako.

"Sige, sasama na ako."-i said at ngumiti pa ng pilit.

"Maru, pakisabi sa kaniya sumunod siya sa Basement"-saad ni Daryll at nakatingin pa ito sa mga mata ko na kinaiwas ko. Lumabas na siya ng office.

"Rema, galingan mo ah."-pag cheer pa sakin ni Maru at nagthumps up pa saka ito lumabas ng office.

Nag spray muna ako ng pabango sa may leeg ko, baka kasi amoy amoyin niya ako. Saka ako lumabas na rin ng office dala ang mamahaling bag ko.

Pagkarating ko ng basement, hindi ko naman makita si Daryll.

*BEEP BEEP

Napatili ako sa lakas ng busina sa may malapit sakin kaya tinignan ko ito. Hayss, yung bwuśìt na si Daryll. Kaya naglakad naman ako patungo rito at sumakay sa Passenger.

At tiyaka niya, pinasibad ang sasakyan.

May inabot naman siya sakin na folders. Kaya binuklat ko naman ito para basahin.

"Ereview mo yan, Kidnapping, Child abuse and rape case ang sinampa na kaso sa suspect ng client natin. Step father niya mismo ang suspect at marami pang iba. 17 years old pa lang ang biktima, kinidnapp siya ng sariling step father para ibenta sa mga bilyonaryong dayuhan. Nung nagtangakang tumakas ang biktima, rinapè siya ng step father niya, inabuso at iba pa."-explained Daryll. Napairap naman ako.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now