CHAPTER 10

282 24 2
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author:

CHAPTER 10

After few hours.

Huminto muna kami ni Daryll sa isang 7/11 para bumili siya ng pagkain. Ako hindi makabili nasa kotse nina dad yung bag ko. Tanging yung camera ko ang meron ako.

"Pautangin mo muna ako Daryll"-i said to him at siyempre mabait ang tono ng boses.

"Wala ka bang pera?"-tanong niya pa at tinaasan ako ng kilay.

"Malamang wala, uutang ba ako sayo kung meron?"-i said sarcasm.

"Basta bayaran mo ako ah. Hindi ko hilig manlibre sa babae."-sabi pa niya. Kaya naman nagtungo ako kung saan naka display ang mga pagkain. Medyo kumuha ako ng marami at maiinum.

"Hoy! Wala akong madaming pera, wag kang ano jan.-sabi niya ng lapitan ako.

"Pwede ba, nagugutom ako dahil sa pagsakay sa motor. Kaya wag ka ng magreklamo"-sabi ko pa at nagtungo na sa counter. Napakamot na lang siya sa batok niya at napilitang magbayad.

"Kung hindi ka lang anak ni tito, matagal na kitang..."

"Ano! Ano ang gagawin mo? Papatàyin mo ko? Sasaksakin? Ganun ba?"-i said habang pinanlalakihan siya ng mata.

"Hayss. Ewan ko sayo, pag naubusan ako ng pang gas. Kasalanan mo."-sabi pa niya at dinùro duro ako.

Naplaingon naman ako sa dalawang cashier na parang tulala na nakatingin samin at inaabot ang resibo samin.

"Ang sweet niyo naman po mag-away"-sabi nung cashier. Luh? Ano ang sweet don?

Kinuha ni Daryll yung resibo sa cashier.

"2,345 ang utang mo sakin, pag hindi mo nabayaran agad magiging 5k to."-sabi niya at nauna ng naglakad palabas ng store.

Aba talaga namang! Ang laki ng tubo ah.

"Naku pasensiya na po ate! Medyo tililing lang ang kasama ko"-paghingi ko pa ng pasensiya dito at binitbit na ang mga pinamili ko.

Masakìt ang loob niya na inutangan siya? Tsk!

Nang makalabas na ako ng store, nakalukot ng husto ang mukha ni Daryll.

"Babayaran kita pagdating natin sa bicol, tapos itatampal ko sa pagmumukha mo ang bayad ko."-i said.

"Oo na, sumakay kana. Dami mo pang dada."-sabi niya habang nagsusuot ng helmet.

3 pm na kaya ngayon, ilang oras na pala kami nagbabiyahe.

"Pwede bang kumain muna ako.?"-i said at binuksan ang pagkain na binili ko.

"Oo na, bilisan mo."-he said na hindi lumilingon sakin at nakasakay na sa motor.

Mahal pala ang mga nakuha kong pagkain, umabot ng 2k plus yun.

Nagmadali akong kumain ng tinapay at mabilis rin ang paglagok ng softdrinks.

"Okay na ba?"-tanong niya. Hayss. Kakaìnis naman ang araw na ito. Maghapon kaya akong nakayakap sa abs niya. Duh! Nakakangalay kaya yun.

Hindi ako umimik at umangkas na lang sa motor sa likod niya. Medyo malapit na rin naman kami, kaya kahit hindi na ako maghelmet okay lang.

Kuampit ako sa bewang niya.

"Higpitan mo naman."-utos niya at binuhay na ang makina ng motor.

"Gusto mo lang may yumakap sayo eh."-nakairap kong saad at at hinigpitan na ang pag kapit sa bewang niya, ay nasa abs na pala.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now