● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author:
CHAPTER 14
****
"Mauna kana sa Unit, may aasikasuhin pa ako sa Bar."-saad ni Daryll ng mai-park niya sa Basement ng condominium, nakababa na rin ako mula sa motor.
"Jeremaeh, nakabalik kana pala"-si Kuya Dustin na papalapit samin. At halatang galing sa School.
"Ah opo. Marami ba akong namissed na lesson Kuya?"-i ask him. Ngumiti lang siya at umiling.
"Wala naman masiyado, pero papahiramin kita ng books ko para pag aralan mo yung lesson kahapon at kanina"-he said.
"Dito rin ba ang building mo?"-i ask. He just nodded.
"Wow, galing naman. Anong unit number kuya?"
"Hoy Rema, tara na nga ihahatid na kita sa taas"-si Daryll at hinawakan pa ang wrist ko.
"Nag uusap pa kami ng Professor ko, tiyaka akala ko ba may pupuntahan ka pa?"
Hindi pa pala umaalis ang kùmag na ito, nakinig pa sa pinag uusapan namin.
"Mamaya pa naman yun, kaya tara na. Ihahatid na kita."-sabi niya at hinila ako nito papuntang elevator. Kaya kumaway na lang ako kay Kuya Dustin, he waved his hand too.
Nang makapasok ng elevator, inalis ko ang kamay ni Daryll na nakahawak sa wrist ko.
"Ang bastos mo talaga, kita mo ng kausap ko ang prof ko!"-inis kong saad kay Daryll.
"Bastos ka rin naman, pinag salitaan mo ng kung ano ano ang daddy mo."-sagot niya. Pasara na sana ang elevator ng harangin ito ni Kuya Dustin at pumasok ito sa loob.
Pinindot nito kung saang floor siya bababa then sumara na ang elevator.
Tumayo siya sa may tabi ko.
"Galing Bicol ka Jeremaeh, pero pantulog ang suot mo?"-tanong ni Kuya Dustin at bahagyang natawa pa ito.
Kaya napatingin naman ako sa suot ko na pantulog lang.
"Anong Unit ka kuya, tapos don na rin ako magmeryenda at magdinner? Wala kasing taga luto sa condo ko."
"Yeah, Sure!"-agad na pag sang ayon niya. "Ano bang gusto mong lutuin ko?"-tanong ni Kuya Dustin. Parang na excite naman ako.
"Wow, marunong ka magluto?"-i ask, he nodded.
"Kunti lang naman ang alam ko, mga dishes sa abroad."-he said.
"Gusto ko yan Kuya"-parang naeexcite ko pang saad. Bumukas na ang elevator sa 15th floor. Lumabas si Kuya Dustin habang nakasunod ako rito.
Habang sinusundan ko si kuya Dustin, napahinto ako sa paglalakad at liningon ang nasa likod ko. Medyo nagulat pa ako ng makita ko si Daryll na nakasunod pala samin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Makikikain rin, bakit ikaw lang ba ang gutom?"-sabi niya at nauna pang sumunod papasok sa unit ni kuya Dustin. Kàpal ng mùkha!
****
Habang nagluluto pa si kuya Dustin sa kitchen niya si Daryll naman nasa kitchen din, naglibot libot muna ako sa loob ng unit niya. At tumitingin sa mga nakadisplay niyang picture frame sa divider na nasa living room.
DARYLL'S P.O.V
"Gusto mo ba si Rema?"-tanong ko kay Dustin na ngayon ay naghihiwa ng mga sangkap sa pagluluto habang ako nakaupo lang.
Sino ba siya para tulungan ko. Sandali siyang sumulyap sakin at ngumisi.
"Eh ano naman kung gusto ko nga siya."-sagot niya at parang binilisan pa ang paghiwa nung sibuyas.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
Storie d'amoreJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...