● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author:
CHAPTER 38
"Jeremaeh, please wag mo na akong iwan."-turan nito habang nakapikit at may tumutulong luha mula sa mata niya.
"Hindi na kita iiwan, binalikan na nga kita diba."-i said at hinalikan pa ito sa noo. "Hindi na kita iiwan ulit, basta wag ka ng lalapit sa takas mental na si Aiza."-i said. Kahit alam kong hindi naman ako maririnig ni Daryll dahil tulog ito.
Next year pa sana ang uwi ko dito, dahil hindi pa tapos ang kontrata ko sa Lawfirm ko sa New york. Tinubos ako ni Dad sa kompaniya para lang makauwi ako ng pinas.
At para na rin alamin ang tunay na dahilan kung bakit hindi man lang nagpaparamdam si Daryll sakin.
Tapos malalaman ko may linta pala na dikit ng dikit sa kaniya.
Kinabukasan.
Nagising ako dahil may gumagalaw sa tabi ko. Si Daryll na malikot, todo yakap siya sakin at parang linalamig.
Kaya yinakap ko na lang siya ng mahigpit habang tinititigan ang mukha niya.
Dahan dahan nagmulat ang mga mata niya at napapikit ulit ng makita ako. Then nagmulat ulit ng mata kaya todo ngiti naman ako sa kaniya.
Napabitaw naman siya sakin at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga.
"Teka, anong ginagawa mo dito?"-gulat niyang tanong at parang hindi makapaniwala at napatingin sa mga katawan namin na naka undergarments lang. Bumangon rin ako mula za pagkakahiga. "May n-nangyari ba kagabi?"-tanong niya at parang kinabahan pa ito.
I nodded.
"Oo, hindi mo ba maalala?"-i said at napangisi sa loob loob ko.
"Pero Rema--."siya at natahimik na ito na parang nag iisip ng sasabihin. Hinila ko naman ang kumot at tinakip sa katawan ko.
"Lagot ka kay Mommy pag nalaman niya ito."-i said at kunwa'y lumukot ang mukha.
"Rema naman, ayoko makulong. Paanong n-napunta ka dito?"-he ask at nasabunutan ang sariling buhok.
"Kakausapin ko si mommy na alisin na ang TRO laban sayo. Alam ko na Daryll ang nangyari, 6 years ago. Bakit hindi mo man lang sinabi sakin ang tungkol don. Bakit hindi mo ako hinintay at naghanap ka ng iba."-i said at napayuko pa.
"May trabaho pa tayo."-he said at liningon ko ito na papasok na sa banyo.
Kung ganun, pinagpalit niya na nga ako kay Aiza.
DARYLL'S P.O.V
"Papasok ba si Rema?"-tanong ni Maru ng lumapit ito sa table ko. Wala pa kasi ito at 9 am na rin kaya late na talaga ito.
"Maru, ano bang nangyari? Bakit nasa apartment ko si Rema?"-tanong ko rito habang tinitignan siya sa mata.
Nagising na lang ako na katabi siya at parehong walang saplòt. Kapag nalaman ito ni tita Jemah baka ipadampot niya ako sa awtoridad. Pero bakit nga ba dito na assign si Jeremaeh sa department ko.
Diba dapat tumutol na sila, lalo na si tito Sheon na Head director ng Law firm.
Kanina pag labas ko galing sa banyo wala na si Jeremaeh.
Taalga bang hndi niya alam na may TRO laban sakin si tita?
"Ang alam ko kagabi, hinatid ka ni Rema sa apartment mo. Yun lang, sinabi ko sa kaniya ang address mo"-saad nito na kinataas ko ng kilay.
Kung ganun, baka may nangyari talaga samin. Hayss. Sana ginising niya man lang ako habang may nangyayari samin. Or sana natauhan ako para naramdaman ko naman yung sarap. Hayss. Tsk.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
RomanceJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...