CHAPTER 35

232 22 0
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●

CHAPTER 35

DARYLL'S P.O.V

5 YEARS LATER

"Mr.Alvarez, ngayon na ang trial ng client mo diba? Hindi ka pa ba aalis?"-tanong sakin ni Maru while andito pa kami sa Law firm office namin.

"Mamaya pa naman yun, masiyado pang maaga."-i said habang nakaharap sa computer.

"Anong tinitignan mo?"-saad nito at lumapit pa sa may computer at medyo natawa siya ng makita kong ano ang ginagawa ko. "Hay naku, walang bagong post si Rema bro. Hindi na ata nagsosocmed ang babaeng yun. Kasi 6 years na ang nakalipas wala akong ma trace na account niya sa socmed."-said Maru.

"Kung ganun, hindi ka magaling na hacker."-i said habang nakataas ang kilay rito.

"Tsk. Siyempre, magaling ako. Magaling lang talaga magsecret ang Rema mo."-saad nito.

"Tsk. Dami mong satsat, magtrabaho kana nga. May isa pa tayong client na dapat matrace mo ang nang prank call sa kaniya."-i said to Maru. Isa ring abogado si Maru, malaking tulong siya para mabilis ko na malutas ang mga case ng client ko, lalo na't magaling siya manghack or magtrace ng mga possible weapons.

"Hello Mr. Alvarez."

Agad na na ioff ko ang computer nang makita si Aiza na papalapit sa table ko. Umalis naman si Maru at nagtungo sa table nito.

Si Aiza ay isa rin sa mga lawyer, pero mag kaiba kami ng department. Mas mabuti na yun, dahil hindi ko siya gusto makasama ever.

Since iisang Law firm lang ang meron kami, kaya hindi maiwasan na magkita kaming dalawa kahit naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.

"Daryll, gusto mo sabay na tayo maglunch?"-Aiza at naupo pa ito sa table ko habang nakaharap sakin.

Napaiwas naman ako ng tingin rito, hindi ko alam kung sinadya niya ba na makitaan siya or what?

Palagi niya ito ginagawa, na akala niya naman bibigay ako sa kaniya at sa pang aakit niya.

"I don't think so, marami akong trabaho. Kaya makakaalis kana."-cold kong saad rito.

"Palagi ka naman ganiyan since we're college."-she said.

Hindi ko alam sa babaeng ito, kung bakit hanggang dito sinundan niya ako. At nag Law student din para masundan niya ako.

Okay lang sana kung si Jeremaeh ang nang aakit sakin ay okay lang. Kaso, i can't feel her anymore. Nabwebweśìt lang ako.

"Aiza, can you go out of my office, marami akong tinatrabaho dito oh."-masungit na saad ko rito at medyo tumaas pa ang boses.

Bumukas naman ang pinto ng office namin, kaya napaalis si Aiza sa may table ko at tumayo ito sa may gilid ko.

Tumayo naman ako ng makita si Mr. Reyes ang director ng Law firm.

"Pumunta ako rito para sabihin na, bukas may darating na intern at dito ko siya iaasign sa office mo Prosecutor Alvarez."-saad ni Mr. Director.

"Pero sir, baka magsiksikan kami rito."-pagtutol ko pa rito.

"Mahalaga siyang tao bilang intern, galing pang abroad. Basta itrain niyo na lang siya ng maayos at mabilis naman siya matuto."-he explained.

Tsk. Si Aiza nga na matagal ng gusto lumipat sa department ko hindi ako pumapayag eh. Yung intern pa kaya na hindi ko naman kilala.

"Atty. Cha."

"Yes sir."-Maru.

"Linisan at ayusin mo ang magiging office ng intern. Ipapakilala ko siya bukas dito. Ngayon sana eh, kaso mamaya pa pala ang flight niya from abroad."-saad ni Director.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now