● JEREMAEH TWO SIDES ●
CHAPTER 25
DARYLL'S P.O.V
"Tito wala p-pong kasalanan si Rema, ako po t-talaga ang dapat sisihin dito at hindi siya."-i said at medyo nahihirapan pang magsalita. At hindi rin makaupo or makabangon dahil sa injury na natamo ko.
Nasaksihan ko kanina ang bangayan ng mag ama dahil sakin, at ako ang nasasaktan para kay Rema. Dahil sakin nagkaroon nanaman ng alitan ang dalawa.
"Wag mo na siyang ipagtanggol pa, kailangan niyang matauhan at maka pag isip isip sa mga ginagawa niya."-sabi pa nito. Pero alam ko na nag aalala pa rin siya.
Basta kanina, bigla na lang akong tumilapon sa kalsada dahil wala aķong suot na seatbelt. Kaya kasaĺanan ko naman talaga kung bakit ito nangyari sakin.
Nagkaayos na kami ni Rema, at ayoko na masira ito ulit dahil sa ako ang pinapaboran ni tito Sheon.
Kinabukasan.
"Pasensiya kana anak, hindinkita mabibisita. Nasa business trip kami ng daddy mo. Papupuntahin ko si manang jan para merong mag asikaso sayo."-saad ni mommy nang tumawag ito sakin.
Sana hindi na lang tumawag, wala naman palang oras para bisitahin ako.
"Okay lang ma, sanay na ako."-i said. Hindi na bago sakin, na wala sila palagi tuwing kailangan ko ng tulong.
Siguro, nakwento sa kanila ni tito ang nangyari sakin.
Binaba ko na lang ang tawag. Ano pa bang kwenta at kakausapin ko pa sila.
"Daryll."
Napalingon pa ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok mula rito si Jeremaeh.
Buti naman dinalaw niya ako. Linapitan niya naman ako habang ako pilit na bumabangon mula sa pagkakahiga.
"Tulungan na kita."-she said at inalalayan ako nito para makaupo at dinoble ang unan ko para meron akongbmasandalan na malambot.
"Salamat. Dahil dinalaw mo ako."-i said at ngumiti pa sa kaniya.
"Wala yun, tinamad kasi ako pumasok sa school kaya pumunta na lang ako dito."-she explained.
"May dala akong pagkain, para kasing sobrang paborito mo ito."-saad niya at may linabas itong pagkain mula sa paper bag na dala niya. Binuksan niya ito, fried shrimp ito na paborito ko pero ayaw niya namang kainin.
"Naging paborito ko ito dahil kay tita Jemah. Madalas kasi siya magluto nito tuwing nagagawi ako sa bahay niyo."-i said. Sinubuan niya naman ako at dahan dahan na ngumuya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"-she ask.
Oo okay na ako, nung makita kita nawala lahat sakit ng katawan ko at dinadaramdam ko.
"Medyo masakit pa ang balikat ko, binti pati ulo."-i said.
"Talaga, try ko nga."-sabi nito at tinapik tapik pa ang balikat ko.
"Aray naman!"-reklamo ko rito medyo napalakas kasi ang pagtapik niya rito.
"Aw. Tenesting ko lang. Arte mo naman."-sabi nito at inerepan ako.
Napatitig naman ako sa cute niyang mukha kahit may eyeglasses. Akala ko magagalit siya ulit sakin dahil sa nangyari.
Mukhang nagbago na nga si Jeremaeh.
"Hindi ka ba galit sakin?"-seryosong tanong ko rito. Umiling iling naman siya.
"Okay oang yun, kasalanan ko naman talaga ang nangyari. Wag mo kong alalahanin."-saad niya ta pinipilit nito ngumiti. Pero ramdam ko ang sakit sa loob niya. Ayaw niya làng magsabi ng totoo na okay lang ang lahat.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
RomanceJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...