● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 47
"Actually Friyah, hindi totoo na may sakit ako."-he said at hininto ang sasakyan nito sa may gilid at tumingin ito ng seryoso.
"So, linoko mo lang pala ako?"-nakairap kong tanong rito. Hay naku, bakit ba kasi ako naniwala na may sakit siya.
"May dahilan ako kung bakit pumupunta ako ng Hospital, siyempre makita ka."-he said.
*Dugdugdugdug.
"And malaman ko rin kung nasaan ang nawawalang kapatid ko. Sabi ng kakilala ko, binigay ng nanay ko sa isang doctor ang kapatid ko. Dahil hindi niya na kami kayang buhayin pa, lalo na't wala ang tatay ko. Kaya para hindi madamay sa gutom ang kapatid ko binigay niya ito sa doctor. Base on my imbestigation."-pagkukwento pa nito.
Nawawalang kapatid?
*Flashback*
"Mommy, pwede ko po ba makilala ang tunay na mama ko.?"-i ask to my mom when i was younger. Bata pa lang ako, sinabi na nila sakin ang totoong pagkatao ko. Para daw paglaki ko at magmatured ako alam ko na ang totoo at mga posibiidad.
"Im sorry anak, pero kasi sabi ng tita Dasuri mo. Binigay ka sa niya ng mama mo bago ito mamatay. Si tita Dasuri mo ang nagpaanak sa real mommy mo. Tapos yung real daddy mo naman, namatay na siya bago ka pa ipanganak ng mommy mo."-Mom explained.
"Pero mommy, bakit niya po ako pinamigay sa inyo? Hindi niya ba ako mahal?"-i ask while crying.
"Hindi ganun yan anak, mas pinili ng real mommy mo na ipamigay ka kasi walang mag aalaga sayo. Lalo na't may sakit pala ang real mommy mo nung pinagbubuntis ka pa lang."-Mom said at yinakap ako nito. "Nandito naman kami ng daddy at kuya mo para mahalin ka at alagaan. Gagawin kang nag iisang prinsesa sa bahay natin."-Mom
*end of flashback*
Base sa kwento ni Maru, nauna mamatay ang papa niya at sumunod ang mama niya.
Di kaya?
Binigay sa isang Doctor ang kapatid niya bago mawala ang mama niya. Na tulad ng kwento sakin ni mommy.
Kung ganun, baka magkapatid kami ni Maru.
I hate my mind. No way!
All my life, naghangad ako na makilala ang totoong pamilya ko. Pero bigo ako, dahil kahit si tita Dasuri hindi niya kilala ang pamilya ko.
Pero hindi ganito, hindi si Maru. Hindi ko siya kayang tanggapin bilang kuya ko kung sakali.
"M-maru, p-pwede bang bilisan mo na. G-gusto o na makauwi."-medyo nanginginig ko pang saad.
"Linalamig ka ba? Teka, i off ko muna ang aircon nito."-he siad at in-off niya nga ang aircon ng sasakyan. At nagsimula na ulit ito magmaneho.
Hindi pwede itong iniisip ko.
Diba dapat maging masaya ako kasi, meron pa palang pamilya ko ang natitira. At hinahanap niya pa ako. But not like this.
Napatitig pa ako sa mukha ni Maru habang nagmamaneho ito. Hindi naman kami magkamukha. Pero possible kaya na ako yung hinahanp niya. Ako lang naman ang pinamigay sa Doctor nung new born pa lamang ako.
"Pag nahanap ko na ang kapatid ko, kahit ano ibibigay ko sa kaniya. Babawi ako sa kaniya sa 22 years ko siyang hindi nakasama."-he said at may ngiti ito sa labi.
22 years? That's my age. Pero sana naman, hindi ako yung tinutukoy ni Maru. Pero sa hospital siya ng Pamlya Yeon nag iimbestiga. Ibig sabihin, doon nga nagtatrabaho yung doctor kung saan nanganak ang nanay niya at pinamigay ang kapatid niya.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
RomanceJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...