CHAPTER 28

225 25 2
                                    

● JEREMAEH TWO SIDES ●

CHAPTER 28

"Manang andiyan po ba si Jeremaeh?"-tanong ko sa babaeng nagbukas ng gate nung nangdoorbell ako sa bahay kung saan ko hinahatid noon si Savannah.

"Naku hijo, wala siya rito. Kahapon pa siya umalis rito. Sina madam naman nag out of town kasama si Sylv."-paliwanag nito.

"Kailan po ba sila uuwi?"-i ask.

"Hindi ko po alam kung kailan eh."-manang.

Saan ko naman hahanapin ang babaeng yun.?

"Alam niyo po ba kung saan ang address nung isang kaibigan nila?"-tanong ko pa rito. Umiling naman ito. "Sige po, maraming salamat po. Pasensiya na po sa abala."-i said to her. Tumango lang ito saka sinara ang gate.

Naglakad na ako pabalik kung saan nakapark ang kotse ko.

Kakagaling ko lang sa hospital, tapos problema nanaman. Kailan ba ako mauubusan ng problema?.

JEREMAEH'S P.O.V

Hinahanap na kaya nila ako ngayon? Hay naku, malamang hindi naman nila ako hahanapin.

Nasa bridge ako ngayon at tinatanaw ang malawak na dagat. Kung tumalon kaya ako rito, mapupunta kaya ako sa ibang bansa. Ganun kasi napapanood ko eh.

Kaso sayang ang ganda ko kung matitigi ako.

"Bakit hindi mo ituloy?"

Gulat akong napalingon sa babaeng nasa may gilid ko. Naka sunglasses ito at naka hot beach.

"Ituloy mo na. Ako na bahala sa pamilya mo na maghanap ng bangkay mo."-saad pa nito at hìnubad ang suot na sun glasses at hot beach.

Teka, kilala ko ito ah. Ito yung mangkukulam na pinuntahan namin. Na sabi niya, mawawala daw si Savannah sa katawan ko pag nainlove ako sa red flag. Kaso hindi pa ako inlove, nawala na agad sakin si Savannah.

"Saan ang punta mo?"-tanong nito at nakatingin sa maletang nasa tabi ko at may isa pang bag.

"Hindi ko po alam eh. Gustonko lang mag pamiss sa pamilya ko."-i said.

"May síra kasi utàk mo eh. Medyo maluwag ang turnìlyo ng utak mo, pero sige kailangan higpitan natin yan."-saad nito na parang inis pang nakatingin sakin. "Sumama ka sakin."-saad nito at naglakad ito papalapit sa isang kotse na malapit.

"Ho? Bakit ho ako sasama sayo?"-tanong ko rito na nagtataka. Na kinairap niya pa ng husto.

"Para mapanindigan mo ang paglalayas mo, para mapagaod si Sheon at si Daryll kakahanap sayo.-saad nito. Teka? Pati si Daryll kilala niya? Grabe, dami niyang alam tungkol sakin.

"Sasama ka ba or hindi?"-medyo irita nitong saad.

"Ay opo, sasama ako."-i said at agad na hinawakan ang bag ko at hinila ang maleta ko papalapit sa kotse nito.

Binuksan niya naman ang trunk ng kotse kaya linagay ko rito ang mga gamit ko.

HABANG nasa biyahe naman kami at siya ang nagmamaneho at nasa passenger seat ako, hindi ko maiwasan ang hindi mapatanong sa kaniya.

"Pano niyo po nakilala ang daddy ko? Eh parang hindi mo naman siya kaedad.?"-tanong ko rito. Nakapagtataka lang kasi.

"Naging client ako ng dad mo, dahil sa nahuli akong nagsusugal ng awtoridad. Yun lang."-sagot nito.

Adik naman pala sa sugal.

"May pagnanasa po ba kayo sa daddy ko?"-tanong ko rito at bahagyang napangisi.

JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now