● JEREMAEH TWO SIDES ●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 52
FRIYAH'S P.O.V
"Hindi kami nagmatch?"-nagtatakang tanong ko. Gusto ko matuwa sa nakita kong resulta pero malungkot rin at the same time.
"Pano nangyari ito?"-tanong ni Maru at parang ayaw niya maniwala sa result.
"Actually, hindi lang si Friyah ang binigay na sanggol sakin noon. Yung isang bata, halos magkabirthday sila ni Friyah oras lang ang lamang. Inampon siya ng kaibigan ko."-pag ami ni Tita Dasuri.
Ibig sabihin, hindi talaga kami magkapatid ni Maru.
"Pwede mo bang ibigay sakin ang address ng kaibigan mo?"-Maru said. At napaupo pa ito sa upuan na parang hindi pa rin makapaniwala.
After mabigay ni tita Dasuri ang Address ng kaibigan niya, tinignan ko pa ito.
"Alam ko kung saan ang lugar na ito."-I said.
"Pwede mo ba akong samahan?"-he ask, i just nodded. Sa tingin ko napakabait na kuya ni Maru. Ang swerte ng lost sister niya sa kaniya.
Habang nasa kotse na kami at nagbabiyahe papunta sa address na binigay ng tita ko.
"Friyah, masaya ako na hindi tayo magkapatid."-he said at kitang kita sa mata niya ang sinsero at tuwa nito.
Gusto ko rin sabihin sa kaniya na masaya din ako. Kaso nahihiya ako sa ngayon na sabihin yun.
Nang makarating kami sa Address na binigay ni tita. Isang subdivission ito, dahil madalas kami rito ni Remah kaya alam na alam ko ang lugar na ito.
Hininto niya ang sasakyan sa isang tapat na bahay. Teka? Bahay ito nina Sevi ah. Ibig sabihin, si Sevi ang nawawalang kapatid niya?
Agad na bumaba ng sasakyan si Maru, kaya bumaba na rin ako. Lumapit ito sa may gate para magdoorbell.
Makalipas ang ilang minuto may nagbukas na nito. Ang mom ni Sevi na kaibigan ni tita Dasuri.
Hindi ako nagkakamali, simula pa noon alam na namin na ampon lang si Sevi. At gusto rin ni Sevi na makilala ang tunay na pamilya niya kaso patay na nga daw ang mga ito.
"Friyah, ikaw pala."-saad pa ni tita ng pagbuksan niya kami ng gate. "Tuloy kayo."-she said at medyo binukas niya ang gate para makapasok kami.
Nauna na itong nagmartsa papasok. Then sumunod kami ni Maru.
"Kilala mo siya?"-nagtatakang tanong ni Maru sakin. I nodded.
"Oo, kaibigan siya ng tita ko eh."-i said. Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Nasa living room si Sevi at Kuya Dustin.
"Oh, hi. Napadalaw kayo?"-tanong pa ni Sevi ng tumayo ito at lumapit samin.
"Ikaw ang kapatid ko Sevi?"-tanong pa ni Maru dito.
"What?"-tanong ni Sevi na nagtataka.
"Ikaw ang nawawalang kapatid ko, ako ang kuya mo Sevi."-Maru said at halos maluha ito. Napatingin pa si Sevi sa mama niya.
SYLVENNIA'S P.O.V
"Alam ko na ampon lang ako nina mama, pero paanong...?"-tanong ko at napahawak pa sa sentido ko at halos hindi makapaniwala. Matagal ko ng pangrap ito ang makilala man lang ang relatives ko. But, si Maru?
Ang liit talaga ng mundo.
"Anak, nagsasabi siya ng totooo. Tumawag sakin ang tita Dasuri mo bago pa sila dumating dito. "-mom said at ngayon nakaupo na kami sa sofa. Hinihimas himas naman ni Dustin ang likod ko para pakalmahin. Dahil sobrang kinakabahan ako at hindi makapaniwala. Hawak niya rin ang kamay ko.
YOU ARE READING
JEREMAEH 2 SIDES (Possessive Series #2)(UNDER EDITING)
RomanceJeremaeh two sides (MAID WITH BENEFITS BOOK2) This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials , death and suicide...