(Tagalog version of "Ruler of the Eater"):
Nahahapo na magsasaka
Sa mata'y kita ang pagod
Hawak ang karatula
Suot yaring salakot
Kaniyang tanim na palay
Mula sa pawis at dugo
Sa pagtitiis sa pagkayod
Gayong hawak ang buhay ng mga tao
Ang aking paghihirap
Sayo ay bumubuhay
Bakit, para saan ang inyong mga batas?
Ako ang nagtanim, ngunit hindi ka nagiging patas
Batas niyo'y ibasura
_______________
02/11/22
Writer's note:
Made to honor, salute, and commemorate the sacrifices and sufferings of farmers who are directly affected by the Rice Tariffication Law (RTL) in the Philippines.
