Kung hindi man
Magkakaroon ng ikaw at ako
Sa susunod na buhay nalang siguro
Kung hindi man
Ang tayo sa dulo
Hihintayin kita sa kabilang mundo
Kung hindi man
Ang pagiibigan natin ay mananalo
Sa digmaan ay isisigaw pa rin ang pangalan mo
Kung hindi man
Maitutuloy lahat ng ipinangako
Sisiguraduhin kong
Matatapos ang araw at ikaw pa rin ang isinisigaw ng puso
Kung hindi man, kung di man.
Sa tala ay makikiusap ako
Na gabayan ka patungo
Sa susunod nating pagtatagpo
Paalam, mahal ko.
02-27-23
5:00 pm
Writer's Note:
In another life...mayroong ikaw at ako.
