- a poem that's collaboratively written by two writers.
Writer Eliexists:
Sa pag-angat ng aking pluma
At pagbagsak ng siyang tinta upang magtala
Tila umaapaw ang memorya nating dalawa
Bago sa malayo, ikaw ay tumaya
Ni hindi mawari kung kakayanin ba
Bawat gabi bago ka lumisan,
Ay napuno ako ng mga pangamba
Na siya namang lumisan nang ako'y hagkan mo na
Ang hirap, sa totoo lang
Ang mawalay sa taong iyong minamahal
Sa araw at gabi, sa paglipas ng oras
Bawat segundo ay nakatatak ka sa isipan
Distansya ang siyang hadlang sa ating dalawa
Ang malayo sa iyo ang pinakamasakit, pero aking kinakaya
Ang pagmamalahal mo mula sa ilang kilometrong layo
Ang siyang nagbibigay kaginhawaan sa mga gabing ako'y nangungulila sa yakap mo
Writer No Lies:Ang isiping sa akin ngayon ay malayo kana
Para yatang pinapatid ang yaring paghinga
Palaging asam ko nalang sa tuwina
Sana naman ikaw ay umuwi na
Gabi gabi nalang sa pagtulog ko
Umaasang pagdilat ay nandito kana sa tabi ko
'Di ko kasi inasahan na mangyayari ang ganitong tagpo
Ang sakit pala kapag malayo ang taong mahal mo
Darating pa ba ang oras na makakasama kita?
Naaabutan na kung madaling araw sa kakaisip kung kumusta kaba
Pasensya na kung sa araw-araw puno ako ng pagda-drama
Isa lang naman ang dahilan nito, sobra kasing miss na kita
Wala ako ngayong ibang gusto
Kundi sana palaging nasa maayos ang lagay mo
Okay lang ako't heto at palaging naghihintay sayo
At nanalanging sana pagkatapos ng pagtitiis ko
Ay habang buhay ng palaging magkasama tayo
_______________
Writer's Note:
Dedicated to all those who are experiencing long-distance relationships out there.