- a poem that's collaboratively written by three writers.
Writer Jerome:
Hanas na hanas na ang mga tao sa lipunan sa paniniil
Kadalasang biktima'y mga lubad ang kulay, napakasuwail!
Na minsa'y sanhi ng pagiging sisa't pagtutok sa ulo ng baril
Hindi maikailang nanaog na sa lipunan ang mga taong sutil
Mga katagang bakla! salot! bakla! salot!
Na wari ay nang-upat sa kanila ng bangungot
Batid sa kanilang ulirat na hindi sila ikalulugod
Batid sa kanilang dili na sila ay masalimuot
Isinilang ang media, hindi rin naiiba
Writer Francis:
Media, ngayo'y kuta ng mga sari't-saring problema
"Media" limang letra, pinagagana ng teknolohiya
Iba't ibang mga chismis o Haka-haka
Ang iyong makikita't mababasa
"Media", pag-kakamali ng artista ay kanilang ikakala't
Pekeng impormasyo'y kanilang idadagdag.
Media, mga walang katotohonang chismis
"Si ano'y umibig ng dalawa", "Si ano ay nag-hanap ng iba"
Malulupet na katagang matatanggap mula sa mga taong tila alagad
Na inutusan upang ikaw ay husgahan ay hindi maiiwasan
Pangyayaring sikreto lang dapat
Ay nagiging trending sa isang pindot at minuto lamang
Writer Eliexists:
Sa pinagsamang panaghoy ng mga tao sa lipunan
Pandaraya, pananapak ng kapwa, hilaan pababa
Walang katumbas at mas lalong pandagdag ng problema
Sa social media, pati ang diskriminasyong pinapataw sa kapwa
Ang kalupitan at pandarayang dinanas mula sa nakaluklok sa politika
Nagsanib pwersa, ang tinig ng mamamayan
Sabay inaawit ang Lupang hinirang
Akala ng iba ay huni ng demokrasya, at boses para sa mararalita
Ngunit isang napakalaking pagkakamali, hindi maikakaila
Dahil nakuha lamang sa tamis ng salita,
Nang makaupo na ay kinulang naman sa gawa
Maisasantinig na tayo lamang ay nilinlang
Ang kapangyarihan ng nasa itaas at salapi ang siya lamang pinakikinggan
