At nakita kita sa ilalim ng Acacia
Ang ngiti mo'y may kinang, ako'y may naramdaman
Paglukso ng puso, ang bawat pagtibok ay nandahil sa'yo
At tumigil ang oras sumasabay sa daloy ng mga kilos moSa harap ng banda, sa unahan, sa may sayahan
Puno ng kulay, mga tawanan, rinig din ang kantahan
Hindi pansin ang ingay at kumpol ng mga taong nagsusumiksikan
Mata'y nakapako lamang sa iyong natatanging kagandahanIyon ang unang beses na tumigil ang aking mundo
Ang dahilan nito ay ikaw at ang hindi makalimutang ngiti mo
Ang unang beses na naghabol sa pag-andar ang aking puso
Kasabay ng tuwang naramdaman ko
Nang masilayan ko ang tuwa sa paghawak mo sa gitara moSaksi ang paligid, ang banda sa ilalim ng puno ng Acacia at ang samyo ng hangin
Maski ang mga nalalaglag na sibol ng bulaklak sa kanilang mga paningin
Ang ating unang tagpo na kailanman hindi rin dinalangin
Ito ang sandaling oras tumanaw ang aking paninginNatagpuan ko na ang taong mamahalin.
_______________03/25/23
Writer's Note:
That day was so colorful, it painted who we are right now.