Sa pagtatangka ng harana
Hindi pa matawag na manliligaw, nakakabigla
Paano? Bago pa man makabwelo
Pinagkaitan mo na ng pag-asa
Sinubukan ang lahat
Mga rosas, tsokolate, pagpapapansin
Para lamang ako sayo'y maging sapat
Ngunit kailan nga ba ako madidinggin?
Nag-aral ng kanta at hinarana ka ng gitara
Kinalimutan ang mga matang nagmamasid sa paligid
Basta ikaw lang ang kahilingang makakasama
Hindi sasantuhin ang kahit anong balakid
Matatamis na salita
Ang aking oras, mga regalo, isinuko pati ang pahinga
Inialay ang lahat ng sa akin
Para lamang ang lahat sa iyo at ipagkait mo din
Sa aking bawat paghinga,
Ikaw ang nilalaman ng mga panalangin
Hiniling na makasama sa altar
Hinaharap na pangako ay siyang didinggin
Ang hirap ng iyong daan
Pero ang bawat landas ay tatahakin
Ang kipot-kipot, May pasikot-sikot, at maraming dadaanan
Ngunit narito pa rin dahil ninais kang mapasaakin
Pero masaya din pala ang daan?
Ang naging habulan, ang panunuyo
Ang paghilig sa mga bituin at ang ngalan mo ay parte ng panalangin
Masyado akong natuwa
Dahil akala ko'y ang pagtalikod mo
Ay nagsasabing, "Sige pa"
At ang pagkakaiba at pag-hindi mo
Ay "oo na"
Huli na nang makaramdam ng mali
At ang malaman ang ang tinatahak na daan
Ay patungo sa isang bagay na walang kasiguraduhan
Isang daan na malabong sa akin iaalay
Dahil napagtantong I'kay isang perlas sa gitna ng dagat
Ikaw ang bukod tanging sinag ng araw
Ang hiling sa balon, siyang nilalaman
Isang prinsesa sa isang matayog na kaharian
Parang isang bituin,
Napakahirap mong abutin.
__________________
Writer's Note:
Ako nalang kasi...
