Ang hirap mong mahalin
Gayong alam na ang halaga ko
Tama na siguro ang pagtitiis
Tatakas na ako sa laro
Simula pa lang
Nabighani na taglay na init mo
Nahiwagahan sa kabuuan
Pilit lumapit kahit na nakakapaso
Hindi ko alam kung bakit
May ganitong klase pala ng pagmamahal?
Bawat hawak mo
Ika'y nasasaktan
Ngunit sa bawat hapdi
Ako padin ay nagtagal
Ngunit napagtantong
'Di puso mo ang hawak kundi ang dulo ng punyal
Napagod na ako sa laro na inimbento mo
Sa bawat paghabol ko na siya namang pagtakbo mo
Sumuko na't sa wakas naisip din ang sarili ko
Nalamang hindi dapat ako nilalaro
Kaya ako na ay lalayo
Sayo na ang nagaalab na alay mo
Hindi ko na kayang tiisin ang bawat lapnos
Hindi ito pag-ibig, kundi isang laro sa apoy
________________
Writer's Note:
I don't want to burn anymore :>
