Lihis

5 1 0
                                        

Politiko, oh, politiko
Anong ginagawa mo sa sweldo mo?

Sabi nila, niluluklok ang lider sa pwesto
Para mamalakad, para magsilbi, para magserbisyo
Tatakbo dahil kabutihan sa bayan kanilang hangad
Suswelduhan ng taumbayan para patas

Kaltas dito, kaltas doon
Mga multa, buwis, dugo't pawis ng tao
Hindi nga bari-barya ito
Milyon-milyon and bibilyon-bilyon

Para ipangsweldo sa tulad niyong politiko

Taumbayan ay makikinig,
Bibigyang puwang ang politikong nagsasabi
Ng mga pangakong hindi mo batid
Kung katotohanan o pawang panungkit-akit

Tiwala ay masusubok ng politikong ganid
Hihimok at magbabalat-kayo
Magkukunwaring ang puso ay sa serbisyo
Hindi para sa tao, kundi sa perang kasama nito

Darating ang bukas,
Magkakalat ang tarpolin ng mang-aawit, aktor, sikat, boksingero, at artista
Dudungisan ang lupa ng dugo at luha ng mga nilinlang
Magtatanong yaring taong-bayan,

Trapo, oh, trapo
Anong ginawa mo sa sweldo mo?



------
Writer's notes:
Hinding-hindi magiging mali ipagtanggol ang naaapi.
Hinding-hindi magiging mali lumaban sa mga trapong nang-aapi.

Sa ating mga kababayang matapang at walang patid na bumoses, salamat sa paglaban para sa atin. 🇵🇭

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Contents of My HeartWhere stories live. Discover now