Mahal kita at mahal mo ako
Iginuhit sa buhangin, itinaga rin sa bato
At bakas, siya ring masakit na maglalaho
Ngayong 'tayo' ay wala rin sa pangako
Handa naman ako sa laban
Mayroon na ng tumitibok na puso
Handa naman nang hawakan ang iyong kamay
At isigaw sa mundo na ikaw ang gusto
Ngunit ang hirap palang ipaglaban
Ang alam mong hindi dapat
Maski pangalan natin sa bituin
Ang pag-iibigang 'di nakasulat
Kung tulay ay pilit ipagpapatuloy
Gibain ang pader at isuko muli ang sarili sa'yo
Maglalandas naman ng luha sa mata nating dalawa
Iyon ang huling kong nanaising makita, sinta
Baka hindi talaga tayo pwede
Katotohanang hindi na kailangang ipeke
Baka kailangan ko na lamang tanggapin
Na wala tayo sa tadhana, tama na ang paghiling
___________________
Writer's Note:
Aguy.
