- A poem that's collaboratively written by 2 writers.
Writer Arvee Rosario:Akala ko natagpuan ko na ang babaeng aking mamahalin
No'ng nakilala kita ngunit diko akalain
Dahil inakala ko na ikaw na talaga
Pero hanggang "akala" lang palaAko'y umamin ng nararamdaman sa dalagang inaasam
Hanggang sa naging magka m.u nang 'di tumagal
Araw-gabi nag-uusap nagkakamustahan
Laging nagpapahiwatig ng pagmamahal
Laging nag-aabang na lagyan na ng label
Ang relasyon nating dalawa
Pero nagbago ang lahat no'ng sinabi mong binalikan ka
Labis ang pagkagulat at aking pagtataka
Sinabi mong ayaw mo sa lalaking kagaya niya
Hanggang ngayon, sakit at lungkot ang nararamdaman
Ngunit sa kabila ng lahat ay diko magawang ika'y kalimutan
Nag-aabang na isang araw ay bigla mong balikan
Writer Eliexists:Ang pag-ibig mo na bumalik, kahit peke man
Natutukso ang mga daliri na tumipa
Sa aking telepono na siyang dating saksi sa ating gunita
Ng bawat saya ng ating pag-uusap, siyang teknolohiya
Na naging tulay sa tamis ng ngiti at tuwa ng gabi, kahit hindi mo nakikita
Hindi ko parin labis mawari na darating pala sa puntong
Kukwestiyonin ko ang bawat tamis ng mga pangako
Maski ang kinabukasang ating binuo
Ang galak ng ngiti at masayang bukas, tayo pala'y di nabubuhay sa totoo
Dahil huli na nang mapagtanto na hindi nga pala tayo
Kulang ang salitang 'konti' para ilarawan ang ating relasyon
Na kahit masaksihan ang pagdating ng binatang magpapatibok sa iyong puso
Naisin ko mang gumalaw, ngunit wala akong karapatan maski papel sa buhay mo
Papaano ko nga bang maipapangalanan kung anong mayroon tayo?
Hindi kaibigan, hindi kasintahan, pero hindi rin kung sino-sino lamang
Hanggang dito na lang ba tayo?
Nakukulong ang pagmamahalang hindi masabi at mawari, sa loob ng isang telepono?
_______________________
Writer's Note:
It's giving "Walang kayo" for today's video :))