Isang Nababagot Na Binata

39 2 0
                                    

- a poem that's collaboratively written by two writers.


Writer Pagpanggap Pagtanggap Paglaya:

Noong tayo ay unang nagkita
Ikaw ay walang kibo
Bigla kang lumapit sa'kin at ikaw ay nakangiti
Wala akong ibang napansin kundi ang mapupula mong labi

Hindi tayo nagkaroon ng oras na magkakilala
Dahil hindi ko rin namalayan ako ay hawak mo na
Ikaw ay nakahiga sa aking binti
Habang haplos ko ang iyong buhok

Mga pangyayari na hindi inaasahan
Ngunit tumatak sa isipan
Yon pala ang magiging dahilan
Na ipagpatuloy mo ang iyong mga kasinungalingan

Ginamit mo ang pangyayaring iyon
Upang ipagpatuloy ang yong hangarin
Sinabi mo ako ay natatangi sa lahat
Anong nangyari, nawala ka nalang bigla?

Writer Eliexists: 

Ang mga matatamis na salita
Ang bawat lambing ng dampi ng iyong palad
Ang bawat pagsambit mo ng mga salita
Isang katagang hindi pala totoo, "Mahal kita"

Kung ano ang bilis ng ating kwento
Siya namang tulin din ng paglaho mo
Dinaig ang bula sa biglaang pagkawala
Mga pangakong sinambit mo'y tila nabura

Kung ako ang tatanungin, "Ano nga bang inaasahan ko?"
Kung papaano mo akong ituring
Nilakbay ang bundok, sinuong ang mga alon
Habang hawak ang mga kamay ko?

Umasa ako sa mga binitiwang pangako
Pilit bumabalik sa oras at lugar kung saan sinabing mahal ako
Hindi inaasahang siya ring pagbitaw mo sa kamay ko
Ngayong nalaman kong isa lamang ako sa mga ginamit mo

Upang punan ang oras ng nababagot mong puso

____________________




Writer's Note:
Don't love just because you're bored.

The Contents of My HeartWhere stories live. Discover now