Mensahe Para Sa Kabataan

32 2 0
                                    

- A poem that's collaboratively written by 2 writers.



Writer Allyssa Mhae:

Pagiging mabuting halimbawa ng iba'y ating tutularan
Mga kabataang pag asa ng inang bayan
Kailangan nating pagpapakahalagahan
Ang salitang RESPETO'T PAGMAMAHALAN

Hindi man gaanong maraming kabataan
Na may paninindigan
At may pagmamahal sa kapwa't bayan
Ang importante'y tayo'y dito nabibilang

Pero tila ngayo'y henerasyon nagbago na't di maiintindihan
Kabataang lulong na sa bisyo't wala ng misyon
Kabataang imbes na libro at lapis ang hinahawakan
Yosi't alak na ang mas pinaprayoridad at ngayo'y hawak-hawak

Di natin mahahangad at mararating
Ang nais nating pinapangarap na aabutin
Kung magiging kabilang tayo sa mga kabataan na imbes tayo ang pag asa ng bayan
Ay magiging kahiya-hiya't pabigat lamang sa lipunan


Writer Eliexists:

Kaya't tayo ay tumindig
Taas noong ipaglaban ang ating ngalan
Damputin ang pluma at papel
Iguhit ang magandang kinabukasan

Lakasan ang loob at tatagan ang puso
Pagaaral siyang pagbutihin, at mamuhay nang marangal
Ang respetong matatanggap pagtungtong sa kolehiyo
Tara't hikayatin ang kabataan na lumikha ng Pangalan sa lupang hinirang

Bumoses sa mundo ng mga 'di nakaririnig
Magpakitang anyo sa lugar ng mga nagbubulag-bulagan
Pilit iparinig ang misyon ng mga kabataan
Na iangat at itaas muli ang ating bayan

Sa sining, sa mekanika, sa siyensya
Pati sa larangan ng pagaabogasiya at linguistika
Nawa'y ang mga daang lalakarin ay magiiwan ng bakas
Isang patunay na sa ating mga kabataan, hindi pa ito ang wakas


The Contents of My HeartWhere stories live. Discover now