Pagkatapos ng pinakamahabang hapunan sa tala ng buhay ko, na tanging si Jonas lang ang imik na imik, nag desisyon akong umakyat na lang muna sa kwartong tinutuluyan ko. Bukas na lamang sila magsisi-uwi sa Manila dahil mukang pagod pa ang mag asawa mula sa biyahe nito sa Europe saka tumuloy sa Batangas.
Galing palang Europe sila Renz at Isabel....
Eh ano naman? Magtigil ka nga dyan Apple!!
Matigas kong iniling-iling ang ulo ko saka humiga sa kama.
Hinawakan ko ang tiyan ko.
Hmmm... ang lambot ng kama.... ang sarap matulog.
Napamulat ako ng sumasakit ang tiyan ko. Sobrang dilim ng kwarto ko. Ang liwanag lamang mula sa digital clock ang nakikita ko.
3:15 a.m.
Nakatulog na pala ko.
Kumirot uli ang tiyan ko at parang nanunuyo ang dila ko.
Gusto ko ng gatas.
Gatas.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at dahan dahang lumabas ng kwarto, pababa sa kusina. Wala nang tao. Tulog na ata lahat.
Tumuloy ako sa kusina.
Saan nga ba nakalagay ang gatas?
Napakamot ako sa ulo ko.
Hindi ko alam.
Sinimulan ko maghanap sa mga cabinet.
Napatalon ako sa gulat ako ng may magbukas ng ilaw sa kusina. Muntik ko na malaglag ang hawak kong lata.
"Sneaking?"
Nagtaas ang balahibo ko sa pamilyar na boses na yun. Unti-unti akong lumingon, sumalubong sa akin ang magulo niyang buhok at matang walang tulog.
"S-sir." Nanginginig pang mabilis kong binalik ang hawak ko sa cabinet. "S-sorry po"
Tumaas ang kilay niya pero hindi siya nagsalita.
"S-sorry po uli." Kinagat ko ang ibaba kong labi saka yumuko. "Aakyat na po ko."
Nang dumaan ako sa harapan niya ay hinawakan niya ang braso ko, halos manlamig ako sa kakaibang pakiramdam na dumaloy sa katawan ko.
"If you need something, ask for help"
Napaangat ang tingin ko sa kanya.
Nakatitig sa akin ang itim niyang mga mata. Halos kumalabog na palabas ang puso ko sa sobrang kaba.
"What do you need?" Sasagot sana ko nang wala pero parang sinasabi sakin ng mata niya na di ako pwede magsinungaling.
"G-gatas po s-sana" nahihiya kong usal.
Tumaas uli ang kilay niya.
"Milk? You want milk?" Tanong niya uli.
Napatango nalang ako.
Binitawan niya ung braso ko, gusto ko matumba. Parang nanghina ko ng bitawan niya ko.
Naglakad siya patungo sa ref saka naglabas ng karton.
"Here. Fresh milks are stock inside the refrigerator." Alam ko.
Nilingon niya ko ng mapansin niyang di ako lumalapit sa kanya. Tinitigan niya ko na paranh binabasa ang nasa isip ko.
Tumagilid sa kanan ang ulo niya.
"Ayaw mo ng fresh milk?"
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Nabasa niya talaga iniisip ko?
Napangisi siya na parang nagpipigil ng tawa. Parang huminto ang oras ng ngumisi siya ng ganun.
Iniwan niya ang karton sa ibabaw ng mesa saka muling humarap sa cabinet na malapit sa ref.
Binuksan niya at nag labas ng dalawang container.
"This is milk and this one is sugar. I don't know how you mix your milk but--"
"Ako na po." Mabilis akong sumagot. Nakakahiya naman, dapat alam ko kung saan nakalagay mga yun. Para tuloy pinagsisilbihan pa ko ng amo ko.
Mabilis akong kumuha ng baso at tumayo sa kabilang parte ng lamesa. Di bale magkatapat na kami.
Akala ko aalis na siya pero habang nagtitimpla ko ay nakatingin lang siya sa akin.
Tinitigan ko ung gatas habang hinahalo ko. Anong gagawin ko dito?
Ayoko naman siyang inumin parang gusto ko lang magtimpla ng gatas.
Patuloy ko siyang hinahalo ng hinahalo.
"Hindi mo ba iinumin yan?"
Napakurap ako. May kasama pa pala ko. At nag tagalog siya.
Napatingin ako sa mata niya. Parang antok na antok na ito.
"Hindi po kayo makatulog?" Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas ng loob tanungin siya ng ganun na hindi nauutal.
Napabuntong hininga siya. Saka sumandal sa upuan.
"I can't sleep." English na naman.
Napatingin ako sa gatas na hinahalo ko. Tinulak ko sa kanya yung baso.
Napaangat ang isang kilay niya. Nagtatanong ang muka niya.
"Sabi ng mama ko, nakakatulong daw po ang gatas para makatulog ng mahimbing." Paliwanag ko.
"It's yours."
Umiling ako. "Sayo na po yan. Ayoko naman po ng gatas, gusto ko lang magtimpla."
Muli ko nasilayan ang ngiti niya.
"Weird." Sabi muna niya saka kinuha ang baso at walang alinlangang ininum ang laman nito.
"It taste good. Nothing special." Ani niya.
Natawa ako. Magsasabi lang thank you, di pa masabi ng deretso.
"You're welcome po." Nakangiting sabi ko.
Kinagulat ko ang pag ngiti niya uli sakin.
Pero mas kinagulat ko ang kakaibang nararamdam ko tuwing ngumingiti siya sa akin.
--
Note: Hello sa inyo. Sorry, short update lang siya. Medyo busy ako sa OJT ko, di nagfafunction ang utak ko. Masyadong napiga sa thesis ko last sem. Hahaha pero sana na enjoy niyo ung update ko kahit papano. Tapos di ko ineexpect na may nag aabang pala sa update ko. Haha pasensya na kung ganyan lang, sa bus ko lang kasi ginawa yan habang pauwi ako. Lol. Anway, have a nice day. Babush :*
P.S THANK YOU SA LAHAT NG VOTES AND COMMENTS.