Chapter Eight

6.4K 113 2
                                    

Para kong tanga na nakasilip mula sa kwartong tinutuluyan ko. Paalis na kasi ang mga Monteverde, kailangan daw nilang bumalik sa Manila.

Si Jonas, na gusto magpaiwan ay napilitan sumama. Kailangan daw ng makakasama ni Sir Carlito dahil maiiwan si Sir Renz. Nagpupumilit sumama si Sir Renz, para akong nanunuod ng teleserye dahil nagpaalam ngayon si Sir Renz sa asawa.

Ano ba yan para namang matagal silang magkakalayo? One week lang naman diba? Pero siguro ganun talaga nila kamahal ang isa't isa.

At sino niloko ko, di naman magpapaiwan si Sir Renz ng wala lang. Magpapaiwan siya dahil kailangan namin makabuo. Ugh.

Mabilis akong tumalikod ng makita kong hinalikan ni Sir Ren si Ma'am Isabel?

Bakit ganun, masama ata pakiramdam ko? Sinapo ko ang ulo ko saka dumiretso sa kama. Kinuha ko yung laptop na nakapatong sa ibabaw. Laptop 'to ni Jonas, iniwan niya sa akin para raw di ako mabored. Meron daw games, music at movies.

Binuhay ko. Di naman ako ganun ka inosente sa laptop, meron di din ako sanay gumamit.

Narinig ko ang pag andar ng sasakyan, nakaalis na sila.

Hinanap ko yung folder ng music, kung saan tinuro ni Jonas kanina. Pumili ako ng kantang medyo pamilay sa akin, hindi naman kasi gaanong mahilig sa music, saka pinindot yung play.

Nilapag ko sa lamesa sa gilid ng kama yung laptop ng binalot ng malamyos ng musika ang buong kwarto. Nahirapan kong pumili ng kanta dahil panay pang party ang laman. Sa bar ako nagtatrabaho kaya alam ko ang mga tugtugin sa mga bar at party.

~

Hindi ko namalayan, nakatulog pala ko. Pag banggon ko ay medyo madilim na kaya mabilis akong kumilos at naligo.

Naku! Napahaba ata tulog ko.

Bumababa ako at dumiretso sa dining area, panigurado andun si Nanay Lydia at nagaayos ng hapunan.

Nagulat ako pagpasok ko ay andun siya, naka upo sa gitna ng komenador habang naghahain si Nay Lydia. Nagpaiwan nga siya.

Nabuntong hininga ako. Hindi ko nga alam kung anu dapat kong gawin o sabihin, muka kasing ayaw niya talaga sa akin.

Dahil ba isa akong babymaker o dahil wala ako sa kalingkingan ng ganda ng asawa niya? Mabilis kong tinaggal yun sa isip ko. Ano ba naman yun!

Nakayuko akong lumapit at tinulungan si Nay Lydia. Bahagya pa itong nagulat ng nakita ako.

"Andyan kana pala ineng, balak na nga sana kitang akyatin ng makakain kana. Halika umupo kana rito." Ngee.

Mabilis akong umiling saka tumabi lang sa kanya. Nakakunot tuloy noo niya.

"Sabay nalang tayo Nay."

"Bakit, ayaw mo ko kasabay?" napalunok muna ko bago ko nilingon ang pinanggalingan ng malamig na boses.

Nakakatakot siya. Ang dilim ng aura niya tapos yung mga mata niya di ko mabasa parang...ay ewan! Pero andun padin yung pagiging dominante niya.

Kaya mabilis akong inudyukan ni Nay Lydia na umupo na, kahit ayoko ay umupo na ko at pinagayus niya ako ng plato.

Roast chicken ang nasa hapag, na may kung anu-anong spices at dahon-dahon ang nasa ibabaw nung manok. Pang mayaman na naman. Ano kaya ulam ni Nay Lydia?

"Nay, wala bang kahit adobo lang dyan? o kahit tuyo?" bulong ko kay Nay Lydia pero mukang malakas pandinig ni Sir Renz kasa padabog niyang binagsak akong kutsara at masamang tinignan.

"Are you embarassing me?" Namula ang muka ko sa hiya at napayuko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi nama  iyon ang intensyon ko.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon