Chapter Thirty Four

2.6K 88 8
                                    


"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Renz nang sabihin niyang magbihis ako at lalabas kami.

"Mamasyal. You never go out."

Simula nang dumating ako dito ay di naman talaga ko nag gagala. Dito lang ako sa rest house hanggang sa dagat pati sa palengke lamang ako. Tsaka saan naman ba ako pupunta?

Sinunod ko siya at nagbihis ako. Kahit ano kasing sabi ko na wag na e, ayaw niya naman pumayag. Sabi naman din Nanay ay okay din naman daw ung makakpag-ikot ako. Baka daw sa susunod e mahirapan na ko maglakad-lakad.

Inalalayan niya ko hanggang makaupo ako nang ayos sa loob nang sasakyan niya. "Saan tayo pupunta?" tanong ko uli pero ngiti lang ang naging tugon niya sa akin. Napakunot noo naman ako.

Hinilamos na naman niya ang kamay sa akin muka. "Di ba sabi ko sayo bawal sumimangot?"

"Bakit ikaw naman!" angil ko.

Hindi na ito sumagot at inayos lang ang seatbelt ko saka umikot papunta sa pwesto niya at sinimulan na magdrive. Tahimik lang sa byahe at bukod tanging ang musika mula sa stereo lamang ang maririnig.

Medyo mahaba din ang naging byahe nasa isang oras din ata ang naging byahe, malayo man sa resthouse o tabing dagat pero alam ko nasa Batangas padin kami.

Huminto ang sasakyan sa isang malawak na lupain at may matayog na gate. Tumingin ako mula sa bintana, wala naman ako mapansin na kakaiba bukod sa mataas nitong gate, malawak na kapaligiran at matataas na puno.

Lumabas mula sa sasakyan si Renz saka niya ako pinagbuksan at inalalayan sa pagbaba nang sasakyan. Ngunit mabilis niya munang ginawaran nang halik ang aking tiyan, hindi ko mapigilin makaramdam nang kakaiba sa tuwing ganito siya.

Feelingera ka Apple!

Nakagawian na niya atang gawaran ng halik ang aking tiyan kung kailan niya naiisin. Eto ang paraan niya para iparamdam sa baby ang pagmamahal niya. And it touches my heart.

"Lets go!" Hinawakan pa niya ang kamay ko at di ko mapigilin mapangiti. Feelinger ka nga.

Napalingon ako dun sa matayog na gate, mayroon din pala itong parang arko. Nakaukit dito ang katangang 'Buenavista's Bee Farm'

Pumasok kami sa loob at may nakita kaming ilang tao dun ngunit ang lalaki na medyo may edad na ang ngiting ngiting lumapit sa amin.

"Renz Monteverde." maligayang bati nito

"Magandang araw, Mr. Buenavista." magalang naman pagbati nito.

Mabilis naman itong umiling. "Tigilan mo ko sa pagiging pormal mo Renz. Just call me Anton." sabay lumingon ito sa akin.

"M-magandang umaga po." maligaya kong bati kahit medyo nag aalinlangan ako.

"Mas maganda ka pa sa umaga, hija" biro nito

"At sino naman ang iyong binobola sa umagang ito, Anton." mataray na sabi nang babaeng paparating. Nakataas ang isang kilay nito habang papalapit sa amin.

Napalunok ako. Halata sa kilos nito ang elganteng pustura nito kahit naka simpleng pananamit lang ito. Para itong si Mam Alea, ang ina ni Renz.

Humalakhak naman ito.. "Ikaw naman, honey, nagselos agad. Aba'y syempre, ikaw padin ang pinaka magandang babae sa buhay ko." Nang tuluyan makalapit, hinawakan nito ang tingin ko'y asawa, saka kami minuwestra dito.

"Hon. This is the man I'm talking about, Renz Monteverde and..." saka ito lumingon sa akin. "His beautiful wife." walang pag alinlangan nitong sinabi kahit halos matumba ako sa gulat kung di ko lang namalayan nakapalibot pala sa aking balikat ang braso ni Renz.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon